Tuesday, November 17, 2009

Girlfriends

"We cannot tell the precise moment when friendship is formed. As in filling a vessel drop by drop, there is at last a drop which makes it run over; so in a series of kindnesses there is at last one which makes the heart run over."
-- Samuel Johnson
What do I love having girlfriends? I can talk about anything and everything with them in complete details. They will lend their ears to your endless love stories. They will tell in front of your face that you are ugly then will bring out their curlers/iron, facial mask, and make-up tools and tell "you will be gorgeous again..don't think about him too much..you deserve better!

Women don't need a man to complete her! Take centr*m COMPLETE from A-Z (sinong hindi kornii? HAHAHA)

Monday, November 9, 2009

Para po! (Isang repleksyon)

Nag mamadali ka. Late ka na at traffic pa. Kailangan mo pumunta don sa patutunguhan mo. Di mo alam kung paano ka makakarating don. Pero alam mo na ang tanging taxi driver lang ang makakatulong sa'yo. Dumating na ang taxi. Nakipag areglo ka para isakay ka. Nakipagtalastasan ka. Pero pinagsarhan ka nya ng pinto at umalis papalayo. Sa iba ka na lang daw sumakay kasi traffic sa ruta na dadaanan mo.Naranasan mo na ba yon? Ako kasi hindi pa(hehe).Pero naranasan ko na yung feeling na talikuran nong tanging tao na inaasahan mo sa oras na kailangan mo sya.

Yung pagsarhan ng pinto nong tao na inaasahan mo na makaka intindi sa'yo. Yung iwan ka nong tao na dapat sasamahan ka sa paglalakbay mo.
Yung talikuran ka nong tao na akala mo na masasandalan mo sa mga panahong hindi mo na kaya tumindig.

Minsan sa isang punto ng ating buhay,mararanasan na'tin ito. Sa iba pala hindi lang minsan.Kadalasan sa iba lagi na lang ganyan. Pero hindi ibig sabihin na hihinto ka na sa paglalakbay mo. Nangnghulugan lang nito na na hindi lahat ng inaasahan mo ay mangyayari. Na Lahat ng akala mo magkaka totoo. Huwag mag expect. Iwasan ang pag depende sa iba dahil sa huli sarili lang talaga natin ang maasahan natin. Matutong tumayo mag isa. Ang mga pangyayaring tulad nito ay tutulong upang pagtibayin ka lalo.

Kaya wag na mag taxi. Makakarating ka din sa paroroonan mo kung magba-bus ka. Masarap maglakbay pag marami kasabay at mas mura pa.*ehehe*

Imahe mula dito