Nag mamadali ka. Late ka na at traffic pa. Kailangan mo pumunta don sa patutunguhan mo. Di mo alam kung paano ka makakarating don. Pero alam mo na ang tanging taxi driver lang ang makakatulong sa'yo. Dumating na ang taxi. Nakipag areglo ka para isakay ka. Nakipagtalastasan ka. Pero pinagsarhan ka nya ng pinto at umalis papalayo. Sa iba ka na lang daw sumakay kasi traffic sa ruta na dadaanan mo.
Naranasan mo na ba yon? Ako kasi hindi pa(hehe).Pero naranasan ko na yung feeling na talikuran nong tanging tao na inaasahan mo sa oras na kailangan mo sya.
Yung pagsarhan ng pinto nong tao na inaasahan mo na makaka intindi sa'yo. Yung iwan ka nong tao na dapat sasamahan ka sa paglalakbay mo.Yung talikuran ka nong tao na akala mo na masasandalan mo sa mga panahong hindi mo na kaya tumindig.
Minsan sa isang punto ng ating buhay,mararanasan na'tin ito. Sa iba pala hindi lang minsan.Kadalasan sa iba lagi na lang ganyan. Pero hindi ibig sabihin na hihinto ka na sa paglalakbay mo. Nangnghulugan lang nito na na hindi lahat ng inaasahan mo ay mangyayari. Na Lahat ng akala mo magkaka totoo. Huwag mag expect. Iwasan ang pag depende sa iba dahil sa huli sarili lang talaga natin ang maasahan natin. Matutong tumayo mag isa. Ang mga pangyayaring tulad nito ay tutulong upang pagtibayin ka lalo.
Kaya wag na mag taxi. Makakarating ka din sa paroroonan mo kung magba-bus ka. Masarap maglakbay pag marami kasabay at mas mura pa.*ehehe*
Imahe mula dito
Monday, November 9, 2009
Para po! (Isang repleksyon)
Posted by missGuided at 3:39 AM 0 comments Links to this post
Thursday, October 1, 2009
Ang Salarin
Hindi inasahan ng lahat ang pangyayari na naganap sa ating bansa mag iisang lingo na din ang nakararaan. Marami ang napinsala..nasirang mga bahay at kabuhayan....at nagbuwis ng buhay. Sa isang iglap lang ay mistulang nilamon ng tubig ang ka-maynilaan at ilan pang karatig na probinsya. At sino ang may sala? sino ang salarin?
Itago na lang natin sya sa pangalang ONDOY!! Walang pasabi na dadaan sya sa ating bansa. Hindi man lang nagbabala na malakas pala ang dala nyang pinsala.Ni- wala syang preno sa pagragasa sa buong kamaynilaan! "Kuyugin si ONDOY" (huh? pa'no?*laugh*)
Ngunit sya nga ba ay guilty sa mga akusasyon na pinaparatang natin sa kanya? Sya nga ba ang dapat sisihin? Sya nga ba ang salarin?
Kasalanan nga ba ni ONDOY na hindi tayo handa sa mga sakunang tulad nito? Kasalanan nga ba nya na hindi tayo marunong mag tapon ng basura ng ayos? Kasalanan nga ba nya na hindi tayo marunong mag mahal kay inang kalikasan?
Sino nga ba ang salarin?
Tayo ang Guilty sa mga paratang na ito. Tayo ang Salarin. We deserve what is happening right now! And we should learn from this!
Ngunit sa kabila ng mga ito, may maganda pa ring dulot ang pangyayaring ito!(oo meron!). Nakita natin ang tibay ng pinoy,ang Bayanihan,pagkaka isa,at ang pag tutulungan. Bangon Pinoy!
>>Speaking of salarin? Ano or should I say..sino ang salarin ng aking 62 araw/8 lingo/2 buwan kong pag kawala sa blogosperya? Sino?
Tama kayo. Yung larawan nga sa itaas ang dahilan. Sya nga pala si britney! Kailangan nya ng pagkalinga ko kaya nawala ako ng panandalian. :DPero bukod pala dyan marami pa palang dahilan.Tulad ng Projective test(HTP & DAPT) and personality Test interpretation,PMHA-Seminars, Retorika portfolio, baby thesis, Diva life, Restaurant city,castle age, and farmville! ahahah.
Posted by missGuided at 5:54 PM 9 comments Links to this post
Wednesday, August 12, 2009
wow mali!
Hirap na hirap na ako.Alam ko this time di ko na kakayanin.Kung noong una ay kaya ko pang tiisin ang nararamdan ko,ngayon ay di ko na talaga kaya. Malapit na. Heto na. Suko na talaga ako.
Pagbaba ko ng jeepney. Sa pulang bubuyog agad ang naisipan ko punatahan upang humingi ng tulong sa aking paghihirap. Magandang loob naman nya akong pinag buksan at pinatuloy. Alam ko sa panahon na yon sya lang ang maasahan ko. Salamat..
Pasok lang ako. Dirediretso lang. Nang....
" Miss ?".
Nagulat ako. Bakit iba ang paligid. May dalawang tao na nakatayo at katulad ko din gulat at nakatingin sa akin. One...two...three! Sabay tingin sa isang itim na sign na nasa aking kaliwa. May letra na nakasulat sa ilalim dito. Tatlong letra na naka Caps lock pa at bold na nag sasaad na "MEN"!
"Ay sorry po" ayon na lamang ang nasabi ko sabay talikod. Akala ko may palda yung drawing. Wala pala. Hindi ko napansin iyon sa kagustuhan na mai-raos ang pag sakit ng aking pantog *hehe
Hindi pa lalampas sa 6 na oras ang tulog ko nong araw na yon. Diretso ang klase ko. Ang dami inaasikaso. Problemado kay almost lover ko at stressed pa sa bahay. Nakaka loka!
Ayan kasi pasok lang ng pasok ng hindi tinitidnan ang pupuntahan. Parang sa buhay natin. Go lang tayo ng go ng hindi inaaninag ang paroroonan natin. Sabay lang sa agos kahit di alam kung saan ka dadalin nito. Kung sana lang yung pinapasukan natin ay madali lang lusutan. Kung sana lang pag nag kamali tayo ng pinuntahan ay may ganito(larawan sa ibaba) na pipigil sa atin. At kung sana lang madali bumalik kapag naligaw tayo.
"Life is like a taxi. The meter just keeps a-ticking whether you are getting somewhere or just standing still. -- Lou Erickso
Image source: www.picsearch.com
Posted by missGuided at 7:50 PM 8 comments Links to this post
Tuesday, August 4, 2009
Maskara

Ang larawan na yan ay kuha mula sa tanyag na pamilihan sa Maynila. Kung ikaw ay may isang libo sa bulsa ay maari ka ng makabili ng kagamitan at saplot mula ulo hangang paa(isang buong outfit na oha!). Hindi din mahulugan ng karayom ang tao dito(lalo na pag x'mas season), kaya bawal ang aanga-anga dahil sa isang lingat mo lang ay naitakbo na ng magaling ang bag mo.haha!
Alam mo na kung sa'an yan? Kung oo certefied pinoy ka nga. Ayos! Pero hindi tungkol sa pook na yan ang post na'to. Napadpad ako jan dahil may proyektong anik anik kami na dapat bilhin. Sa aking pag mamasid pumukaw sa aking pansin ang mga makukulay na maskara. Naalala ko tuloy itong blog ko na nilalangaw na dahil sa bihira ko ng pagbisita.
Isang Pilosopo ang nagsabi na.."people often hide or mask their true feelings and present an image of what they think is expected"
Totoo yan. Lahat tayo ay nakasuot ng maskara. Tinatago ang ating totoong nararamdaman. Gusto lang natin ipakita sa lahat kung ano ang gusto natin ipakita. Ayaw natin malaman nila ang totoo nating emosyon . Sa likod ng mga ngiti na yan ang isang malungkot na mukha ang nag kukubli. Kunwari okay tayo. Kunawari masaya tayo. Kunwari lahat ng bagay ay naaayon sa kagustuhan natin. Pero hindi talaga.
Hindi masama magtago sa likod ng maskara. Lalo na sa mga pagkakataon kung saan yung mga tao sa paligid mo ay humihingi ng lakas sa'yo. Subalit hindi din masama na ipakita ang totoong nararamdaman natin. Hindi masama maging mahina. Ang mga taong marunong harapin ang kanilang emosyon ay mga taong totoong malakas.
Posted by missGuided at 7:53 AM 8 comments Links to this post
Sunday, July 26, 2009
Malik-mata
May nagbigay sa akin ng blusang dilaw. Natuwa ako kagandahang loob nya. Pero hindi lubos ang kagalakan ko dahil sa tingin ko ay hindi ko naman ito magagamit. Maganda ang kulay(branded pa*hehe) pero mukha akong gift wrapper sa dami ng raffles nito. Alam ko uso ito, hindi ko lang talaga keribles(carry) suotin. Simple lang kasi ako manamit pero hindi manang.
Pinagmasdan ko muli ang blusa. Masisinan ko itong kinilatis. At na-realize ko ang kagandahan nito. Belt lang pala ang kailangan...winner na!
Para rin yang mga scenario sa buhay natin. Sa unang tingin,akala natin ay hindi maganda pero hindi pala.Kadalasan bina-base lamang natin sa ating unang impression ang saloobin at desisyon sa mga bagay bagay na nang yayari sa atin ng hindi pinag iisipan. Mali 'yon, mas maintindihan natin ang mga ito kung pag iisipan ito ng maraming beses.Sapat ng ang 100 times then make a decision*hehe.
Nasa kanya kanyang interpretasyon lang. Minsan nililinlang tayo ng mga mata natin. Minsan nakiki ayon lang tayo sa tingin ng nakararami.Pero ang mahalaga ay kung pano natin titidnan ang isang bagay dahil kaakibat nito ang bawat kilos natin.
Kung iniwan ka ng kasintahan/irog mo. Huwag kang malungkot. Isipin mo na lang ang kasunod nito tao na.*bitter smile*-missGuided
Posted by missGuided at 12:41 AM 7 comments Links to this post
Friday, July 17, 2009
Wala kayo sa lola ko
Dahil sa bongang ulan kahapon at suspended pa ang klase,natenga lang ako sa bahay maghapon.Sa lakas ng ulan hindi ako makapag concentrate sa paggawa ng mga report ko o kahit mag blog hopping man lang.Kaya ibinuhos ko na lang ang oras ko sa aking pet na si britney na may 4 na langaw na lumilipad sa ulo nya don sa pet society*hehe at manood ng tv! Everytime na napapanood ko'to napaphinto ako sa ginagawa ko,nakaka aliw ng tunay...
" Puro abangers na naman dito eh. Bwiset! bwiset! "
Ang taray ng lola nyo ano? Cool na cool parang bagets lang. Ang tingin natin pag sinabing abuela,granny,lola eh naka-upo sa rocking chair o kaya nag aalaga ng apo. Well ngayon hindi na. Kaya na nilang makipagsabayan sa DOTA with their apo's (buti pa sila*hihi)!
Posted by missGuided at 6:24 PM 8 comments Links to this post
Monday, July 13, 2009
MG's TopPicks(part 3)
Annie Wilson(90210), Michael Scofield (prison break),Victoria Ford (Lipstick jungle), Gabrielle Solis (Desperate Housewives) sila ay ilan lamang sa mga "peborit" kong karakter sa balat ng telebisyon ngunit sa kasamaang palad ay hindi nakasama dahil sampu(ten,diyes) lang talaga. Masyado mahaba ang listahan ko at sila lang ang kaya i-feature dito sa blog ko. At ang Bida sa aking topten tv character ay *tentenenen* ay si......
1. Blair Waldorf (Gossip Girl)
" Haven’t you heard? I'm the crazy bitch around here "-Blair Waldorf
A privileged young woman born to high society, Blair Cornelia Waldorf is presented as the beautiful Queen Bee of Manhattan's social scene. Due to her status on the Upper East Side, her actions and relations are under constant scrutiny from the mysterious Gossip Girl,a popular blogger.
MG says: Wealthy and snobby, yet good-natured. Yan masasabi ko sa kanya. I love how the way she speaks, the way she dress, and also how she manipulate people just to get what she want.haha! Job well done to Leighton Meester for giving justice to Blairs character. Pero ano to'ng nababasa ko na may sex scandal daw sya.
Ang lahat ng ito ay alleged Scandal with her BF lamang. Until now ala pang video talaga ang lumalabas kundi larawan lang tulad sa itaas.Hindi pa talaga napapatunayan but lot of people were claiming that it's really her. Ayon sa nabasa ko may isang website na daw ang nakabili ng sex scandal video for $1 million at malapit na i-release. To see is to believe. Pero if it's really true, so what? hindi nito na mababago that she's really talented and she is the hottest and brightest star today!
* sa mga naka hula. Isasama ko ayo sa prayers ko. Yan ang premyo.LOL*xoxo
image source: http://teenbubblegum.com
Posted by missGuided at 6:18 AM 5 comments Links to this post











