Sunday, June 10, 2012

Happy Pill

Isa sa mga iilan na lamang na libreng bagay sa mundo ay "Happiness". Pero bakit  ang ilan ay naniniwala na kaya nila itong isilid sa garapon at ibenta, kung kahit sino naman eh kaya naman itong ma-achieve ng hindi gumagamit ng mga ito. Yes I am talking about happy pills.

Sa modernong mundo ngayon nasa garapon na daw ang happiness. Nandiyan na ang mga naglipanang Anti-depressant,prozac,Effexor XR,ecstasy,etc. Nabibili na daw ang "Happiness".Pero kasiyahan nga ba talaga itong maidudulot?

Ang tao ay likas na mapaghangad sa sarili.Ang katangian din yan ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagiging masaya ang tao kung ito ay hindi makuha. Di lang yan ang kalaban ng happiness. Nandiyan pa ang brokenheart, illness, pag kakaroon ng kaaway, walang trabaho, walang pera, at kamatayan ng mahal sa buhay.

Those are just normal phenomenon. Same as sadness and Happiness as a  normal feeling. Lahat tayo nakakaranas at nakakaramdam ng ganyan. Katulad din ng ibang tao na naka experience nyan at naka survive ng walang tulong ng magical happy pills. Ikaw at lahat tayo kaya din mag survive ng di gumagamit ng gamot.

We should not always rely on chemicals to cheer us up. We can self medicate ourselves (OO kahit wala kang Ph.D) by simply  being happy. Positive thinking lang ang katapat nyan. 

Nasa borderline ako ng Happiness at Sadness this past few days. But I chose to be happy.I didn't drink any drugs to increase my seratonin and endorphin levels to still be happy. I just think deeper and listen to my happythoughts when I feel like being sad.

My Stressor: Wala akong trabaho  
My Happy Thoughts says:  "eh ano ngayon may diploma naman ako, yung iba nga di makpag aral eh".

My Stressor: I think I lost my friends
My Happy Thoughts says: "people come and go, what's important is you've got your family and you partner" 

My Stressor: I AM SUPER BORED and BROKE!
My Happy Thought says: "Go blog and make friends"


You can't always change things into the way you want it to be, but you can always change your perception and your mood on a  certain things to make you happy -MG

Tuesday, May 1, 2012

What's with Avengers?

I haven't seen Avengers..does it makes me a loser? Well kabi-kabila na ang nakikita kong reviews regarding this movie dito sa blogger community. Kada-minuto ang nakikita kong tweets ay "Just done watching avengers..awesome"  "avengers is the best"  "Captain America is love" etc. At kada minuto ito ang pinag uusapan sa facebook.

Obviously Avengers is a smashed hit. P281-million lang naman ang gross sa opening week ng Avengers nationwide – the biggest debut ever in history. Dito lang yan sa Pilipinas ah! Nag hihirap nga ang pinoy. Kesehodang 60 pesos na ice cream hahanapan ng ipambibili maki-uso lang pati dito sa movie na ito.

I have nothing against sa mga fanatic ng Avengers o nagpipilit na fan nito para makiuso. I believe it is great movie! (di lang talaga ako mahilig sa mga bagay na malayo sa realidad #idontwatchfantasymovies).

Pero ito baka abangan ko pa..Tangkilikin natin ang gawang Pinoy! #LOLS

Thursday, April 26, 2012

Wala na kong kilay..pero may Diploma na ko!

It's been seven long months since I visited this humble blog of mine, and I am so happy and proud to be back. Sa loob ng pitong buwan na pagkawala ko...ang pag susunog ng kilay ang pinagka-abalahan ko. Mahirap talaga ang maging graduating (I know a lot of you  can relate to that). Iyon na siguro ang isa sa mga critical stage ng buhay ko so far. I've been doing my thesis and on-the-job training all  at a same time.

From the past months, sobrang stress. Wala talagang pahinga, swerte ako kung magkaroon ako ng 6 hours of sleep. I did my training in the three branches of psychology: Industrial, Clinical, and School setting.

In my Industrial setting, I worked in a cargo and logistics company. Sa HR department ako naka-duty. Neurotic ang mga tao don (I swear). Hindi sila marunong nguminiti at snob sila.Karamihan pa sa staff bully. Pang katulong ang mga pina patrabaho nila,at yung pinakamalala ay ang pahanginan nila sa mga trainee ang mga balloon for their party! Can you imagine that? but I did it!

When I went to school settings di pa rin ako nakaligtas sa "horrible boss". Napunta ako as assistant na OC (obsessive compulsive) na bipolar pa na Guidance Counselor. Kung mag shift s'ya ng mood in a split second. Pero kahit mahirap sya spell-lengin okay lang kasi ine-expose nya ko sa mga couselling techniques, student cases saka psycological test. I learn a lot from him.
Lastly, sa clinical setting ang pinaka nag ubos ng kilay ko. Wala na mang horrible boss this time haha. Mga staff lang from other department na hindi nagpapa-gamit ng CR (who does that?tsk) When I trained there as an activity therapist akala ko kelangan ko ka lang maging mentally ready sa magiging trabaho ko. Kelangan din pala physically and emotionally ready ka din. Mahirap mag handle ng mga mentally challenge na clients (I can't share the details for confidentiality #Imsorry ) pero masaya dahil sa'min mga psychology student fullfillment ang makapasok ka sa mundo nila at maka survive!

Now that I graduated all I want to do is to stay at home blog and sleep forever.haha but kidding aside gusto ko muna mag pahinga at i-condition ang sarili ko before ako sumabak sa real world. Sana lang di ako mapunta sa horrible bosses but even kung meron okay lang di na bago sa'kin yan hahah.

Sa buhay, hindi lahat magiging mabait sa'yo, its up to you how to handle the situation and survive. Who agrees with me? :)