Wednesday, August 12, 2009

wow mali!

Hirap na hirap na ako.Alam ko this time di ko na kakayanin.Kung noong una ay kaya ko pang tiisin ang nararamdan ko,ngayon ay di ko na talaga kaya. Malapit na. Heto na. Suko na talaga ako.

Pagbaba ko ng jeepney. Sa pulang bubuyog agad ang naisipan ko punatahan upang humingi ng tulong sa aking paghihirap. Magandang loob naman nya akong pinag buksan at pinatuloy. Alam ko sa panahon na yon sya lang ang maasahan ko. Salamat..

Pasok lang ako. Dirediretso lang. Nang....

" Miss ?".

Nagulat ako. Bakit iba ang paligid. May dalawang tao na nakatayo at katulad ko din gulat at nakatingin sa akin. One...two...three! Sabay tingin sa isang itim na sign na nasa aking kaliwa. May letra na nakasulat sa ilalim dito. Tatlong letra na naka Caps lock pa at bold na nag sasaad na "MEN"!

"Ay sorry po" ayon na lamang ang nasabi ko sabay talikod. Akala ko may palda yung drawing. Wala pala. Hindi ko napansin iyon sa kagustuhan na mai-raos ang pag sakit ng aking pantog *hehe

Hindi pa lalampas sa 6 na oras ang tulog ko nong araw na yon. Diretso ang klase ko. Ang dami inaasikaso. Problemado kay almost lover ko at stressed pa sa bahay. Nakaka loka!

Ayan kasi pasok lang ng pasok ng hindi tinitidnan ang pupuntahan. Parang sa buhay natin. Go lang tayo ng go ng hindi inaaninag ang paroroonan natin. Sabay lang sa agos kahit di alam kung saan ka dadalin nito. Kung sana lang yung pinapasukan natin ay madali lang lusutan. Kung sana lang pag nag kamali tayo ng pinuntahan ay may ganito(larawan sa ibaba) na pipigil sa atin. At kung sana lang madali bumalik kapag naligaw tayo.



"Life is like a taxi. The meter just keeps a-ticking whether you are getting somewhere or just standing still. -- Lou Erickso

Image source: www.picsearch.com

Tuesday, August 4, 2009

Maskara


Ang larawan na yan ay kuha mula sa tanyag na pamilihan sa Maynila. Kung ikaw ay may isang libo sa bulsa ay maari ka ng makabili ng kagamitan at saplot mula ulo hangang paa(isang buong outfit na oha!). Hindi din mahulugan ng karayom ang tao dito(lalo na pag x'mas season), kaya bawal ang aanga-anga dahil sa isang lingat mo lang ay naitakbo na ng magaling ang bag mo.haha!

Alam mo na kung sa'an yan? Kung oo
certefied pinoy ka nga. Ayos! Pero hindi tungkol sa pook na yan ang post na'to. Napadpad ako jan dahil may proyektong anik anik kami na dapat bilhin. Sa aking pag mamasid pumukaw sa aking pansin ang mga makukulay na maskara. Naalala ko tuloy itong blog ko na nilalangaw na dahil sa bihira ko ng pagbisita.

Isang Pilosopo ang nagsabi na..
"people often hide or mask their true feelings and present an image of what they think is expected"

Totoo yan. Lahat tayo ay nakasuot ng maskara. Tinatago ang ating totoong nararamdaman. Gusto lang natin ipakita sa lahat kung ano ang gusto natin ipakita. Ayaw natin malaman nila ang totoo nating emosyon . Sa likod ng mga ngiti na yan ang isang malungkot na mukha ang nag kukubli. Kunwari okay tayo. Kunawari masaya tayo. Kunwari lahat ng bagay ay naaayon sa kagustuhan natin. Pero hindi talaga.

Hindi masama magtago sa likod ng maskara. Lalo na sa mga pagkakataon kung saan yung mga tao sa paligid mo ay humihingi ng lakas sa'yo. Subalit hindi din masama na ipakita ang totoong nararamdaman natin. Hindi masama maging mahina. Ang mga taong marunong harapin ang kanilang emosyon ay mga taong totoong malakas.