Hirap na hirap na ako.Alam ko this time di ko na kakayanin.Kung noong una ay kaya ko pang tiisin ang nararamdan ko,ngayon ay di ko na talaga kaya. Malapit na. Heto na. Suko na talaga ako.
Pagbaba ko ng jeepney. Sa pulang bubuyog agad ang naisipan ko punatahan upang humingi ng tulong sa aking paghihirap. Magandang loob naman nya akong pinag buksan at pinatuloy. Alam ko sa panahon na yon sya lang ang maasahan ko. Salamat..
Pasok lang ako. Dirediretso lang. Nang....
" Miss ?".
Nagulat ako. Bakit iba ang paligid. May dalawang tao na nakatayo at katulad ko din gulat at nakatingin sa akin. One...two...three! Sabay tingin sa isang itim na sign na nasa aking kaliwa. May letra na nakasulat sa ilalim dito. Tatlong letra na naka Caps lock pa at bold na nag sasaad na "MEN"!
"Ay sorry po" ayon na lamang ang nasabi ko sabay talikod. Akala ko may palda yung drawing. Wala pala. Hindi ko napansin iyon sa kagustuhan na mai-raos ang pag sakit ng aking pantog *hehe
Hindi pa lalampas sa 6 na oras ang tulog ko nong araw na yon. Diretso ang klase ko. Ang dami inaasikaso. Problemado kay almost lover ko at stressed pa sa bahay. Nakaka loka!
Ayan kasi pasok lang ng pasok ng hindi tinitidnan ang pupuntahan. Parang sa buhay natin. Go lang tayo ng go ng hindi inaaninag ang paroroonan natin. Sabay lang sa agos kahit di alam kung saan ka dadalin nito. Kung sana lang yung pinapasukan natin ay madali lang lusutan. Kung sana lang pag nag kamali tayo ng pinuntahan ay may ganito(larawan sa ibaba) na pipigil sa atin. At kung sana lang madali bumalik kapag naligaw tayo.
"Life is like a taxi. The meter just keeps a-ticking whether you are getting somewhere or just standing still. -- Lou Erickso
Image source: www.picsearch.com
8 comments:
Tama ka sis, ang buhay kasi kadalasan ang sign eh NO UTURN, kaya dapat talaga, think a million times before you act..
but wooowh!nakakahiya nga un sis, hehe
pag isipan talaga lahat ng bawat hakbang na gagawin...mahirap na mag kamali! swear!*hahah
minsan dumadating talaga yung pakiramdam mo e natatangay ka na lang sa agos at di makapag isip ng maayos dahil sa bilis ng mga pangyayari at sobrang kumplikadong mga sitwasyon..
madalas, applicable pa rin itong itinuro ng nursery school teacher natin, "stop... look... and listen.."
Haha. Sana sinabi mo Mister ka. hihi
@Indecent mind
may tama ka....stop,look a nd listen!
@ acrylique
onga.sige nextym pag natanga uli ako.haha
naligaw na rin ako minsan basta bsta nalang pumapasok sa cr ng pambababe,
ang ganda ng quote,tama tama...
galing naman.. akalain mong nagkamali ka lang ng pag-weee-wi-wi-an eh nagawa mo na namang i-relate sa buhay..
parang sa pag-aasawa, pag nagpakasal ka na.. No Return No exchange na yan (yun yung pinakaunang rule, biblical rule.)
Dalaw ka sa tambayan:
Tambayan 1
Tambayan 2
tama siguruhin ang bawat patutunguhan baka magkamali uli ng pasok. hehe
sana ako magkamali rin hehe
Post a Comment