Monday, November 9, 2009

Para po! (Isang repleksyon)

Nag mamadali ka. Late ka na at traffic pa. Kailangan mo pumunta don sa patutunguhan mo. Di mo alam kung paano ka makakarating don. Pero alam mo na ang tanging taxi driver lang ang makakatulong sa'yo. Dumating na ang taxi. Nakipag areglo ka para isakay ka. Nakipagtalastasan ka. Pero pinagsarhan ka nya ng pinto at umalis papalayo. Sa iba ka na lang daw sumakay kasi traffic sa ruta na dadaanan mo.Naranasan mo na ba yon? Ako kasi hindi pa(hehe).Pero naranasan ko na yung feeling na talikuran nong tanging tao na inaasahan mo sa oras na kailangan mo sya.

Yung pagsarhan ng pinto nong tao na inaasahan mo na makaka intindi sa'yo. Yung iwan ka nong tao na dapat sasamahan ka sa paglalakbay mo.
Yung talikuran ka nong tao na akala mo na masasandalan mo sa mga panahong hindi mo na kaya tumindig.

Minsan sa isang punto ng ating buhay,mararanasan na'tin ito. Sa iba pala hindi lang minsan.Kadalasan sa iba lagi na lang ganyan. Pero hindi ibig sabihin na hihinto ka na sa paglalakbay mo. Nangnghulugan lang nito na na hindi lahat ng inaasahan mo ay mangyayari. Na Lahat ng akala mo magkaka totoo. Huwag mag expect. Iwasan ang pag depende sa iba dahil sa huli sarili lang talaga natin ang maasahan natin. Matutong tumayo mag isa. Ang mga pangyayaring tulad nito ay tutulong upang pagtibayin ka lalo.

Kaya wag na mag taxi. Makakarating ka din sa paroroonan mo kung magba-bus ka. Masarap maglakbay pag marami kasabay at mas mura pa.*ehehe*

Imahe mula dito

7 comments:

Rouselle said...

Hindi ko pa naman naeexperience yan, thank God.

Hope you're okay! : )

miss Gee said...

good for you. its hard,but i know if one door closes.there's window that will open...thnx

Joel said...

madaming taong mahilig magsara ng pintuan, ang iba sa kanila ay papaasahin ka pa.. tsk! hehe pero di ko pa din nararanasan yan hehe

an_indecent_mind said...

hindi naman maiwasan na mawala yung mga taong inaasahan natin, ang masaklap lang, kung kelan natin sila kailangan, saka naman sila tatalikod sa atin..

yun kasi ang mahirap, minsan sa sobrang dependent natin sa ibang tao nakakalimutan na natin ang pakiramdam kung paano ang tumayo sa ating sariling mga paa..

tama ka naman, humingi ng tulong at ng suhestiyon, pero wag iasa ang lahat.. sa bandang huli ikaw pa rin dapat ang magdesisyon para sa sarili mo..

nice post!

ROM CALPITO said...

Buti pa miss guided kalesa nalang cgurado hindi ka niya tatangihan. Sana next time makakita ka ng bukas ang pinto lagi para sa iyo.

gumising ka kasi ng maaga ate.

miss Gee said...

@ kheed.buti ka pa. next time magdadala ako ng susi para biksan pinto hehe

@an-indecent-mind
tama ka.salamat

@jettro
mukhang magandang ideya yan ah. mabuti pa nga kalesa na lng para mahahabol pa.lol

KESO said...

"Iwasan ang pag depende sa iba dahil sa huli sarili lang talaga natin ang maasahan natin. Matutong tumayo mag isa. Ang mga pangyayaring tulad nito ay tutulong upang pagtibayin ka lalo."

korek ate,hndi sa lahat ng pnhon may aasahan. :))