#2 Philippine Psychology Act of 2009(RA 10029).
Opo lumang balita na rin yan. Dahil noong Marso pa yan na-aprubahan.Ikinagagalak ko ito ng husto, dahil sa wakas ay kinikilala na rin kami ng batas ngayon.Di na namin kailangan mag sunog ng kilay para sa MA (masteral degree) at matawag na professional.
#3 Si Miss Gee magbabalik loob sa blogosphere!
Walang halong talkshit po ito. Totoo na'to. (as if naman naramdaman nila ang pagkawala ko haha). Pero katulad nga ng mga kapit-bahay natin jan na "once in a blue moon" lang maramdaman ang presensya, may mga dahilan po kami. Ako ay busy tulad ni mareng chase na makuha ang pangarap ng aming magulang, ang magkaron ng diploma(yun daw pamana nila sa'min)! May social life na ko tulad ni jologs na yuppie (may social life naman ako nong araw pa, mas may time lang ako ngayon makipag plastikan haha). Tulad ni Enday naubusan na po ako ng humor (puro sama ng loob na lang ang meron ako). At higit sa lahat may kasintahan na ako tulad ni Homer(naks!)Pero alam ko at alam naman ng lahat na kalokohan lang yan. Isang malaking lame excuse na lagi natin sinasabi pag nawawala sa blogosperya (tama? haha).
Ang totoo nyan ako ay nag kasakit ng BBS!Tama BLOGGERS BLOCK SYNDROME. Andami ko gustong i-share kaso sa di-malamang kadahilanan di ako makapagsulat. Ganito din kaya ang nangyari sa mga kaututang dila natin na sina blogger na nurse, chorva, waleey, stupidient, tambay, at AL-kapon? Well di-maiiwasan ang BBS. Hintayin nalang din natin ang pagbabalik ng mga kaibigan natin. Baka may mga baon din silang istorya tulad ko.
Note: Please stand by for my next post! Ciao!! :)
No comments:
Post a Comment