Sa kalagitanaan ng summer nagkaroon ako ng Part time job! At akalain mong naisingit ko pa yan kahit alam kong kailangan ng full time attention ang pagmamasid ko sa mga friendly insects dito sa amin. Ang trabaho na kahit paano nag pabilis ng napakahabang bente kwatro oras ko ay pagiging Part time labandera/ frustatedcook/ hardinera /personal assistant by day at blogger by night.
Pero ngayon, full time student na ulit ako. Kung gaano kabagal ang oras ng summer ganon din naman kabilis ngayon. I'm taking up my thesis and some major subjects na sadyang napaka hirap. Kung tutuusin di naman ganon kahirap, kaso nga lang ang sisipag ng mga "Profeshor" ko ngayon. Kung ano anik anik na research, presentation at case study ang pinapagawa. Harooo!!
Hindi naman sa nag rereklamo ako. Gusto ko nga yung ganito. Yung feeling na productive talaga compare nong summer. Ang problema lang so many things to do, so little time!! Kulang ang 24 hours sa kin!! Paano ko pag kakasayahin ang mga ss:
- Research ng anik anik na theorya ni pareng Freud,Horney,Adler.
- (time consuming) Case study
- Seminar presentation (time management pa ang topic ko hahahha)
- THESIS!!!
- DVD marathon ng smallville, desperate housewives, Grey'z Anatomy (ito talaga ang pinaka importante sa lahat hahah)
No comments:
Post a Comment