ako oo. 45 minuto ng araw ko ay nakalaan para mangarap!*day-dreaming-mode*haha!
Pero ano ba'ng masama don? wala naman di ba? Yun na nga lang ang tanging pwede natin gawin ng hindi nag lalabas ng singkong duling mula sa ating bulsa. Sa kabila ng Krisis na kinakaharap ng ekonomiya,pagkawala ng trabaho,at pagtaas ng bilihin,ito na lang ang libre sa mundo...ang Mangarap,take note nang gising.haha
Nakatulala sa kawalan.Nag iisip. Nagmu-munimuni. Nangangarap sa mga bagay bagay na nais mangyari sa akin o mabago sa paligid ko. yan ang kadalasan ko'ng ginagawa pagka mulat ng aking mga mata. Bago ako bumangon at harapin ang magulo ngunit masaya kong mundo.
Dito mahal niya ako at mahal ko siya. Dito lahat ng ginagawa ko ay tama. Dito buong pagkatao ko ay nais nila. Dito lahat ng gusto ko pwede.Dito maraming chocolate.Dito kasama ko si Ed westwick at kaibigan ko si blaire and serena.Dito maraming libro at magazine. Dito naglalakad ako sa peurto gallera kasama si Piolo Pascual.Dito malaya ako.Dito masaya ako.Dito ako ang sentro ng lahat. Dito sa akin umiikot ang mundo. Dito ako ang Bida.Ito ang mundo ko.
wooh masarap mangarap. Kahit dito lang makukuha ko ang mga bagay na hindi pwede. Mga bagay na hindi talaga para sa atin. Na kahit masakit kailangan natin tangapin.
Masarap mangagrap. ngunit ayon sa paborito ko'ng professor:
" you know it is okay for us to daydream. actually it is good in our cognitive thinking and it exercise our imagination. But you should know when to stop.because once you got trapped there you can not comeback. "
" daydreaming too much can cause neurosis then it may lead into psychosis. "
Kailangan marunong ka'ng bumalik sa riyalidad(reality). Dahil kung hindi maari kang makulong diyan at mahirap nang bumalik. Pag nakita ko si Piolo Pascual sa kanan ko at si Richard Guttierez sa Kaliwa ko. Isa lang ibig sabihin nyan...napapa-Praning na'ko.
I know whats the difference between Fantasy and Reality.
Kaya ako..after 45minutes sa aking artificial na mundo bumabalik na ako sa tunay kong mundo...dahil oras na para pumasok.Mahirap ng ma-late*haha*. Yan ang real world ko.
***
"Human beings have an inalienable right to invent themselves"- Germaine Greere
No comments:
Post a Comment