Sunday, October 24, 2010

News Flash: Bago-na-Luma

#1 Si Marian Rivera ay isang Psychology! Lumang balita na yan. At di lang sya ang Psychology. Marami-rami na rin kami.

#2 Philippine Psychology Act of 2009(RA 10029).

Opo lumang ba
lita na rin yan. Dahil noong Marso pa yan na-aprubahan.Ikinagagalak ko ito ng husto, dahil sa wakas ay kinikilala na rin kami ng batas ngayon.Di na namin kailangan mag sunog ng kilay para sa MA (masteral degree) at matawag na professional.

#3 Si Miss Gee magbabalik loob sa blogosphere!

Walang halong talkshit po ito. Totoo na'to. (as if naman naramdaman nila ang pagkawala ko haha). Pero katulad nga ng mga kapit-bahay natin jan na "once in a blue moon" lang maramdaman ang presensya, may mga dahilan po kami. Ako ay busy tulad ni mareng chase na makuha ang pangarap ng aming magulang, ang magkaron ng diploma(yun daw pamana nila sa'min)! May social life na ko tulad ni jologs na yuppie (may social life naman ako nong araw pa, mas may time lang ako ngayon makipag plastikan haha). Tulad ni Enday naubusan na po ako ng humor (puro sama ng loob na lang ang meron ako). At higit sa lahat may kasintahan na ako tulad ni Homer(naks!)

Pero alam ko at alam naman ng lahat na kalokohan lang yan. Isang malaking lame excuse na lagi natin sinasabi pag nawawala sa blogosperya (tama? haha).

Ang totoo nyan ako ay nag kasakit ng BBS!Tama BLOGGERS BLOCK SYNDROME. Andami ko gustong i-share kaso sa di-malamang kadahilanan di ako makapagsulat. Ganito din kaya ang nangyari sa mga kaututang dila natin na sina blogger na nurse, chorva, waleey, stupidient, tambay, at AL-kapon?
Well di-maiiwasan ang BBS. Hintayin nalang din natin ang pagbabalik ng mga kaibigan natin. Baka may mga baon din silang istorya tulad ko.

Note: Please stand by for my next post! Ciao!! :)

Saturday, July 17, 2010

Wednesday, June 2, 2010

Desperate Moves errr!


(paki click ang image. malabo lang mata mo.hehe)

Waley maka usap kaya pinatulan ko si Cleverbot. Ayun lang. Sana nakipag txt na lang ako sa jejemon!
Hindi fa coe nah- imvernah! Di bah phoe?(<---mild jjm) note: salamat pala kay greenpinoy sa pagpapakilala kay cleverbot. :D

Friday, May 28, 2010

Estranghero

Nitong mga nakaraan araw ay ilang mga tao ako na nakilala. Sa iilang sandali lang ay nakapag iwan sila ng marka sa akin.Sa higit na dalawang oras na pakikinig ko sa kanila ay nalaman ko ang istorya ng kanilang mga buhay. Mga estranghero man sa una, naging malapit sila sa akin,dahil sa mga bagay bagay na pina-intindi nila sa'kin sa simpleng pag bahagi nila ng kanilang istorya.

Si Veronika
"Well let's see. After you decide that I'm depressed or whatever, you'll put me on meds right?
Nag pakamatay siya. Sa kasamaang palad hindi pa niya oras. Nagising siya sa isang institusyon kung saan kino kwestyon ang pag kakaintindi niya sa riyalidad. Pero sa lugar din na yon nakita nya yung nais nya na hindi nya nakita sa mga bagay na meron sya noon

MG's realization: You can't see happiness in the things that you have accomplished, but on the relationship that you have established!

Si Jordan

" We have to stay alive, because we have to see how the story ends
Nakakulong sya sa nakaraan. Hangan sa nakilala nya si charlie. Akala nya siya ang mag aalis sa kanya sa kulungan. Pero sa huli sarili nya lng din ang nakapag palaya sa kanya.

MG's realization: Happy on the outside totally broken inside

Si Michael

"I've been thinking about my life lately, and everything feels pretty planned out. There's no more surprises.

Maayos ang buhay nya. Nag inarte. Nag hanap ng bago. Pero parang may hinahanap pa siya. Bumalik sya. Saka nya napagtanto ang halaga ng meron sya nong nawala ang mga ito.

MG's realization: There's nothing wrong of going out of your comfort zone, it will make you better!


Si Kirk
"The beast was ugly but had a beautiful voice

Si kirk ay LOSER! Pero meron siyang hot and gorgeous na kasintahan. Bakit? kasi mabuti syang tao(period)

MG's realization
: I am better to be ugly than pretty with a bad mouth!


Baka sila kilala mo din?

Tuesday, May 25, 2010

Im bored being bored!

Premonition: First day of class @ the hallway..

Intregera girl: hey! you look hmmm pret...hmmm same!haha
Miss Gee: hi haha (w/plastic smile)
Intregera girl: So how's your summer?
Miss Gee: Well...hmmm.....wait..aaahhm...let me think!ahhm...great(?)!

yes..I did nothing this summer!yes..I wasted this free f@&%'n days! and yes I am not proud of it!
But..

(image: my summer 2009)

I still have few more days to make my summer better!!yeah!!

Ikaw kamusta summer mo??(survey 'to hehe)

Monday, May 17, 2010

Nene

Bata..bata.. ba't gusto mo ng tumanda?? tanong ko sarili ko (5 min ago)! Alam ko naman nong araw na dumaan din kayo sa mga panahon na atat/excited kayo na tumanda(pasintabi sa mga ate at kuya jan na kasalukuyang nag babasa ngayon :D).
Ang Depinisyon ng sinasabi kong pagTANDA ay yung pag kakaroon ng freedom at independence.Freedom-kalayaan na gawin ang gusto mong gawin na hindi humihingi ng pag sang ayon ng iba.At Independence- sa paggawa ng nais mo ng walang hinihinging tulong sa iba.

May isang kaibigan na nagsabi sa'kin at hanggang ngayon nakatatak pa din sa utak ko na

"
Bakit ba nag mamadali kang tumanda? Bakit ba hindi mo na lang samantalahin ang mga panahon habang anak ka pa din nila? "

Nandito kasi ako sa phase ng buhay kung san tinitimbang ko yung mga bagay na nagawa ko sa labing siyam na taon ko dito (sa earth :D). May mga gusto ako gawin at patunayan. At hindi ko magagawa yung mga bagay na yun kung nene pa din ang tingin nila sa kin. Nandon na tayo sa sinasabi nilang ayaw nila tayo mapahamak at mag kamali. Pero pa'no kami matututo kung hindi namin nararanasan yun.

Huwag kayong matakot matuto ng bisekleta ang bata kung naturuan nyo naman ito ng ayos. Magalusan man yan atleast sa susunod alam nya na ang gagawin nya.

Thursday, April 29, 2010

Bloggers Block

It's been exactly one hundred fifty days since my last post. I am floating in the air for Thirty five weeks. Five months of a roller coaster ride. I know I'm not the only one who is experiencing this.
A condition they called...


I'll be back soon. I promise.

Friday, December 11, 2009

Bukas

Parang kahapon lang, nakapiit sa kulungan si Erap, ngayon ay sasabak na sa pagka presidente!Parang kahapon lang nanalo si Pacquiao kay Cotto,ngayon sasabak naman sa pelikula(wapak!!)Parang kahapon lang si Ondoy ang sikat, ngayon si Ampatuan na!Parang kahapon lang Sabado ngayon Lingo na!hehe
Andami na ang nagbago. Napakabilis ng mga pangyayari. Mga hindi natin inasahan at hindi napaghandaan. May maganda may mabuti. Ngayon 2009 Bukas 2010. Ano kaya ang dala ng taon na'to sa atin? Ano kaya ang dapat natin asahan at dapat natin pag handaan?
Sino ang may alam ng kinabukasan natin? Sino?
Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng ilan na "Tanging panahon lang ang makapagsasabi ng ating hinaharap". Dahil naniniwala ako na tayo ang gumagawa ng kinabukasan natin. Kung ano tayo ngayon asahan mo na ganon ka din bukas.Kung ngayon ay nagbabago ka malamang ibang tao ka na bukas. Kung nag susumikap ka ngayon bukas sigurado ako maganda ang buhay mo. Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin. Tayo responsable sa lahat ng nangyayari maganda man o mabuti. Tayo...
Ano ka kaya bukas? Ako nakikita ko na sarili ko bukas. Walang pinagbago. Kaya mamaya magninilay nilay ako. Gagawa ulit ako ng new years resolution. Nakakahiya man sabihin pero hindi man lang nangalahati ang listahan ko sa mga nagawa at nabago ko sa sarili ko.
(alam ko ganon ka din! hehe) Buti na lang may mamaya para gawin yung mga hindi ko nagawa ngayon. It is better to be late than never.It is better to try and lost than never tried at all!

ManigongBagongTaonSa'nyo

Tuesday, November 17, 2009

Girlfriends

"We cannot tell the precise moment when friendship is formed. As in filling a vessel drop by drop, there is at last a drop which makes it run over; so in a series of kindnesses there is at last one which makes the heart run over."
-- Samuel Johnson
What do I love having girlfriends? I can talk about anything and everything with them in complete details. They will lend their ears to your endless love stories. They will tell in front of your face that you are ugly then will bring out their curlers/iron, facial mask, and make-up tools and tell "you will be gorgeous again..don't think about him too much..you deserve better!

Women don't need a man to complete her! Take centr*m COMPLETE from A-Z (sinong hindi kornii? HAHAHA)

Monday, November 9, 2009

Para po! (Isang repleksyon)

Nag mamadali ka. Late ka na at traffic pa. Kailangan mo pumunta don sa patutunguhan mo. Di mo alam kung paano ka makakarating don. Pero alam mo na ang tanging taxi driver lang ang makakatulong sa'yo. Dumating na ang taxi. Nakipag areglo ka para isakay ka. Nakipagtalastasan ka. Pero pinagsarhan ka nya ng pinto at umalis papalayo. Sa iba ka na lang daw sumakay kasi traffic sa ruta na dadaanan mo.Naranasan mo na ba yon? Ako kasi hindi pa(hehe).Pero naranasan ko na yung feeling na talikuran nong tanging tao na inaasahan mo sa oras na kailangan mo sya.

Yung pagsarhan ng pinto nong tao na inaasahan mo na makaka intindi sa'yo. Yung iwan ka nong tao na dapat sasamahan ka sa paglalakbay mo.
Yung talikuran ka nong tao na akala mo na masasandalan mo sa mga panahong hindi mo na kaya tumindig.

Minsan sa isang punto ng ating buhay,mararanasan na'tin ito. Sa iba pala hindi lang minsan.Kadalasan sa iba lagi na lang ganyan. Pero hindi ibig sabihin na hihinto ka na sa paglalakbay mo. Nangnghulugan lang nito na na hindi lahat ng inaasahan mo ay mangyayari. Na Lahat ng akala mo magkaka totoo. Huwag mag expect. Iwasan ang pag depende sa iba dahil sa huli sarili lang talaga natin ang maasahan natin. Matutong tumayo mag isa. Ang mga pangyayaring tulad nito ay tutulong upang pagtibayin ka lalo.

Kaya wag na mag taxi. Makakarating ka din sa paroroonan mo kung magba-bus ka. Masarap maglakbay pag marami kasabay at mas mura pa.*ehehe*

Imahe mula dito

Thursday, October 1, 2009

Ang Salarin

Hindi inasahan ng lahat ang pangyayari na naganap sa ating bansa mag iisang lingo na din ang nakararaan. Marami ang napinsala..nasirang mga bahay at kabuhayan....at nagbuwis ng buhay. Sa isang iglap lang ay mistulang nilamon ng tubig ang ka-maynilaan at ilan pang karatig na probinsya. At sino ang may sala? sino ang salarin?

Itago na lang natin sya sa pangalang ONDOY!! Walang pasabi na dadaan sya sa ating bansa. Hindi man lang nagbabala na malakas pala ang dala nyang pinsala.Ni- wala syang preno sa pagragasa sa buong kamaynilaan! "
Kuyugin si ONDOY" (huh? pa'no?*laugh*)

Ngunit sya nga ba ay
guilty sa mga akusasyon na pinaparatang natin sa kanya? Sya nga ba ang dapat sisihin? Sya nga ba ang salarin?

Kasalanan nga ba ni ONDOY na hindi tayo handa sa mga sakunang tulad nito? Kasalanan nga ba nya na hindi tayo marunong mag tapon ng basura ng ayos? Kasalanan nga ba nya na hindi tayo marunong mag mahal kay inang kalikasan?

Sino nga ba ang salarin?

Tayo ang
Guilty sa mga paratang na ito. Tayo ang Salarin. We deserve what is happening right now! And we should learn from this!

Ngunit sa kabila ng mga ito, may maganda pa ring dulot ang pangyayaring ito!
(oo meron!). Nakita natin ang tibay ng pinoy,ang Bayanihan,pagkaka isa,at ang pag tutulungan. Bangon Pinoy!

>>Speaking of salarin? Ano or should I say..sino ang salarin ng aking 62 araw/8 lingo/2 buwan kong pag kawala sa blogosperya? Sino?

Tama kayo. Yung larawan nga sa itaas ang dahilan. Sya nga pala si britney! Kailangan nya ng pagkalinga ko kaya nawala ako ng panandalian. :D
Pero bukod pala dyan marami pa palang dahilan.Tulad ng Projective test(HTP & DAPT) and personality Test interpretation,PMHA-Seminars, Retorika portfolio, baby thesis, Diva life, Restaurant city,castle age, and farmville! ahahah.


H A P P Y B L O G G I N G :)

Wednesday, August 12, 2009

wow mali!

Hirap na hirap na ako.Alam ko this time di ko na kakayanin.Kung noong una ay kaya ko pang tiisin ang nararamdan ko,ngayon ay di ko na talaga kaya. Malapit na. Heto na. Suko na talaga ako.

Pagbaba ko ng jeepney. Sa pulang bubuyog agad ang naisipan ko punatahan upang humingi ng tulong sa aking paghihirap. Magandang loob naman nya akong pinag buksan at pinatuloy. Alam ko sa panahon na yon sya lang ang maasahan ko. Salamat..

Pasok lang ako. Dirediretso lang. Nang....

" Miss ?".

Nagulat ako. Bakit iba ang paligid. May dalawang tao na nakatayo at katulad ko din gulat at nakatingin sa akin. One...two...three! Sabay tingin sa isang itim na sign na nasa aking kaliwa. May letra na nakasulat sa ilalim dito. Tatlong letra na naka Caps lock pa at bold na nag sasaad na "MEN"!

"Ay sorry po" ayon na lamang ang nasabi ko sabay talikod. Akala ko may palda yung drawing. Wala pala. Hindi ko napansin iyon sa kagustuhan na mai-raos ang pag sakit ng aking pantog *hehe

Hindi pa lalampas sa 6 na oras ang tulog ko nong araw na yon. Diretso ang klase ko. Ang dami inaasikaso. Problemado kay almost lover ko at stressed pa sa bahay. Nakaka loka!

Ayan kasi pasok lang ng pasok ng hindi tinitidnan ang pupuntahan. Parang sa buhay natin. Go lang tayo ng go ng hindi inaaninag ang paroroonan natin. Sabay lang sa agos kahit di alam kung saan ka dadalin nito. Kung sana lang yung pinapasukan natin ay madali lang lusutan. Kung sana lang pag nag kamali tayo ng pinuntahan ay may ganito(larawan sa ibaba) na pipigil sa atin. At kung sana lang madali bumalik kapag naligaw tayo.



"Life is like a taxi. The meter just keeps a-ticking whether you are getting somewhere or just standing still. -- Lou Erickso

Image source: www.picsearch.com

Tuesday, August 4, 2009

Maskara


Ang larawan na yan ay kuha mula sa tanyag na pamilihan sa Maynila. Kung ikaw ay may isang libo sa bulsa ay maari ka ng makabili ng kagamitan at saplot mula ulo hangang paa(isang buong outfit na oha!). Hindi din mahulugan ng karayom ang tao dito(lalo na pag x'mas season), kaya bawal ang aanga-anga dahil sa isang lingat mo lang ay naitakbo na ng magaling ang bag mo.haha!

Alam mo na kung sa'an yan? Kung oo
certefied pinoy ka nga. Ayos! Pero hindi tungkol sa pook na yan ang post na'to. Napadpad ako jan dahil may proyektong anik anik kami na dapat bilhin. Sa aking pag mamasid pumukaw sa aking pansin ang mga makukulay na maskara. Naalala ko tuloy itong blog ko na nilalangaw na dahil sa bihira ko ng pagbisita.

Isang Pilosopo ang nagsabi na..
"people often hide or mask their true feelings and present an image of what they think is expected"

Totoo yan. Lahat tayo ay nakasuot ng maskara. Tinatago ang ating totoong nararamdaman. Gusto lang natin ipakita sa lahat kung ano ang gusto natin ipakita. Ayaw natin malaman nila ang totoo nating emosyon . Sa likod ng mga ngiti na yan ang isang malungkot na mukha ang nag kukubli. Kunwari okay tayo. Kunawari masaya tayo. Kunwari lahat ng bagay ay naaayon sa kagustuhan natin. Pero hindi talaga.

Hindi masama magtago sa likod ng maskara. Lalo na sa mga pagkakataon kung saan yung mga tao sa paligid mo ay humihingi ng lakas sa'yo. Subalit hindi din masama na ipakita ang totoong nararamdaman natin. Hindi masama maging mahina. Ang mga taong marunong harapin ang kanilang emosyon ay mga taong totoong malakas.

Sunday, July 26, 2009

Malik-mata

May nagbigay sa akin ng blusang dilaw. Natuwa ako kagandahang loob nya. Pero hindi lubos ang kagalakan ko dahil sa tingin ko ay hindi ko naman ito magagamit. Maganda ang kulay(branded pa*hehe) pero mukha akong gift wrapper sa dami ng raffles nito. Alam ko uso ito, hindi ko lang talaga keribles(carry) suotin. Simple lang kasi ako manamit pero hindi manang.

Pinagmasdan ko muli ang blusa. Masisinan ko itong kinilatis. At na-realize ko ang kagandahan nito. Belt lang pala ang kailangan...winner na!

Para rin yang mga scenario sa buhay natin. Sa unang tingin,akala natin ay hindi maganda pero hindi pala.Kadalasan bina-base lamang natin sa ating unang impression ang saloobin at desisyon sa mga bagay bagay na nang yayari sa atin ng hindi pinag iisipan. Mali 'yon, mas maintindihan natin ang mga ito kung pag iisipan ito ng maraming beses.Sapat ng ang 100 times then make a decision*hehe.
Nasa kanya kanyang interpretasyon lang. Minsan nililinlang tayo ng mga mata natin. Minsan nakiki ayon lang tayo sa tingin ng nakararami.Pero ang mahalaga ay kung pano natin titidnan ang isang bagay dahil kaakibat nito ang bawat kilos natin.

Kung iniwan ka ng kasintahan/irog mo. Huwag kang malungkot. Isipin mo na lang ang kasunod nito tao na.*bitter smile*-missGuided

Friday, July 17, 2009

Wala kayo sa lola ko

Dahil sa bongang ulan kahapon at suspended pa ang klase,natenga lang ako sa bahay maghapon.Sa lakas ng ulan hindi ako makapag concentrate sa paggawa ng mga report ko o kahit mag blog hopping man lang.Kaya ibinuhos ko na lang ang oras ko sa aking pet na si britney na may 4 na langaw na lumilipad sa ulo nya don sa pet society*hehe at manood ng tv! Everytime na napapanood ko'to napaphinto ako sa ginagawa ko,nakaka aliw ng tunay...





" Puro abangers na naman dito eh. Bwiset! bwiset! "

Ang taray ng lola nyo ano? Cool na cool parang bagets lang. Ang tingin natin pag sinabing abuela,granny,lola eh naka-upo sa rocking chair o kaya nag aalaga ng apo. Well ngayon hindi na. Kaya na nilang makipagsabayan sa DOTA with their apo's (buti pa sila*hihi)!

Monday, July 13, 2009

MG's TopPicks(part 3)

Annie Wilson(90210), Michael Scofield (prison break),Victoria Ford (Lipstick jungle), Gabrielle Solis (Desperate Housewives) sila ay ilan lamang sa mga "peborit" kong karakter sa balat ng telebisyon ngunit sa kasamaang palad ay hindi nakasama dahil sampu(ten,diyes) lang talaga. Masyado mahaba ang listahan ko at sila lang ang kaya i-feature dito sa blog ko. At ang Bida sa aking topten tv character ay *tentenenen* ay si......
1. Blair Waldorf
(Gossip Girl)
" Haven’t you heard? I'm the crazy bitch around here "-Blair Waldorf
A privileged young woman born to high society, Blair Cornelia Waldorf is presented as the beautiful Queen Bee of Manhattan's social scene. Due to her status on the Upper East Side, her actions and relations are under constant scrutiny from the mysterious Gossip Girl,a popular blogger.

MG says: Wealthy and snobby, yet good-natured. Yan masasabi ko sa kanya. I love how the way she speaks, the way she dress, and also how she manipulate people just to get what she want.haha! Job well done to Leighton Meester for giving justice to Blairs character. Pero ano to'ng nababasa ko na may sex scandal daw sya.Ang lahat ng ito ay alleged Scandal with her BF lamang. Until now ala pang video talaga ang lumalabas kundi larawan lang tulad sa itaas.Hindi pa talaga napapatunayan but lot of people were claiming that it's really her. Ayon sa nabasa ko may isang website na daw ang nakabili ng sex scandal video for $1 million at malapit na i-release. To see is to believe. Pero if it's really true, so what? hindi nito na mababago that she's really talented and she is the hottest and brightest star today!

* sa mga naka hula. Isasama ko ayo sa prayers ko. Yan ang premyo.LOL*xoxo

image source: http://teenbubblegum.com

Wednesday, July 8, 2009

MG's top picks: Top ten "peborit" character on Small Screen(part 2)

Ito na ang continueation...
5. Izzie (Grey's Anatomy)
" This is who I was. It has nothing to do with who I am now. I'm a physician. A surgeon! And I am just as qualified as any other intern on this floor. So you're just going to have to get over your chauvinist crap and allow me to do my job. "Izzie works at Seattle Grace Hospital as a surgical intern and later resident, with storyline focusing on her relationships with fellow staff members. She was bubbly,emotional and kind. Some said that she don't fit in her chosen profession because of her personality but she's really good at it.

MG says: She is more than a pretty face! ( sana mabuhay siya sa next season ng GA!)

4. Spike (Buffy the Vampire Slayer)
" What am I doing here? Out for a walk Bitch! "
Spike is seen as something of a paradox amongst vampires in the series, and frequently challenges vampire conventions and limitations. He embraces certain elements of humanity, such as love and loyalty, that would be considered too human.

MG says: Sheep in Wolf's clothing.haha! Ayan si Spike! Matapang madalas Manindak at manakot pero sa likod nito siya ay may tinatago na busilak na puso!

3.
Chuck Bass (Gossip Girl)
" Game's not over until I say it is. " He's as obnoxious - but hilarious - as he is wealthy and charming at times. Everyone may despise Chuck Bass, but there's no question that he is the most connected kid on Upper East Side.

MG says: (often) misjudge but he's just longing for love,attention and appreciation! I love her sooo0 much! why? because He is Chuck Bass haha!

2. Ally McBeal (Ally McBeal)

“ There's no sin in loving men. Only pain! ”

a young lawyer working in a Boston Law firm, Cage Fish and Associates with other young lawyers whose lives and loves were eccentric,humorous and dramatic.


MG says: Funny and has a strong personality.Hindi padadaig sa mga maton kahit malas sa pag ibig!



OooopssS hangan jan muna ulit. Inantok na ko e(hihi). Bitin ba ? Hulaan nyo kung sino ang nanguna/Bida sa aking MG' list?(may premyo ^^,)


Saturday, July 4, 2009

MG's top picks: Top ten "peborit" character on Small Screen

Isa ako'ng certefied Tv addict! On my free time I prefer to stay at home eating popcorn while watching some of my favorite tv series rather than wasting my time walking on the mall like what other typical teens like me usually do. Nakakapagod kaya lalo na kung wala kang monmon pambili!haha

Kaya ito nagtala ako sa sampu sa pinaka na aliw ako na karakter sa balat ng telebisyon:

10. Karen (Will and Grace)

" Honey, I'm too tired to slap you. Bash your face up against my palm "

Karen is a promiscous borderline alchoholic with an often tenous grip on reality and very few morals.She is good friends with Will Truman's equally narcissistic best friend Jack McFarland.

She was describe by her friends as "a spoiled, shrill, gold-digging socialite who would sooner chew off her own foot than do an honest days work"


MG says: Ibang klase bumanat. Napapatumbling ako sa kanya. Lalo na pagkasama nya ang kanyang partner in crime na si jack. I hope matuloy ang kanilang new sitcom na "karen and jack"


9. Phoebe (Charmed)

" I'll do what I should've done a while ago which is vanquish your sorry ass "

Phoebe, the youngest Halliwell sister, the charmed ones. Her powers are mostly passive, including premonitions, potion making, and casting spells. Initially frustrated by her passive powers, she invests in martial arts training to fight demons. She later receives the gifts of levitation and empathy.

MG says: For me the she is the most gorgeous amon
g the sitsers. Besides of that I adore her strong personality kahit madalas she uses her heart over her head!


8. Cappie (Greek)

" I had a little minx once. She was the fairest of all the forest creatures. But I let her get away. (Slaps himself) Bad Cappie "

Cappie is a guy who lives now,enjoys everything , and sees no need to move on. He’s happy on campus and that where he’ll stay until he’s physically removed or runs out of new majors to try which ever comes out first.

MG says: Maloko pero malaman ang utak! Born leader!


7. Sawyer (Lost)

" what do i want? freckles, i got so many an swers to that question, i would't know where to start! "

Sawyer is initially portrayed as a conniving, overly sarcastic flirt who keeps stashes of washed ashore items. His flashbacks typically depict a more sensitive side to him, juxtaposed against acts of betrayal and theft.


MG says: Ito lang ang masasabi ko jan " maginoo pero medyo bastos".


6. Samantha Newly (Samantha who?)

" It really is the hardest part, that despite our very best efforts, some things just aren't meant to be while things that are meant to be, they seem to find a way "

a 30-year-old vice president of a real estate firm who develops retrograde amnesia after a hit and run accident. Upon waking, she realizes to her dismay that she had been selfish and unlikeable before her accident, and therefore sets out to make amends and become a better person.


MG says: Hilariously funny and often MisUnderstood.Pero ang maganda sa kanya ay marunong sya umamin sa pagkakamali nya at tinatama nya to!


O siya ayan muna!


ImageSource: httm://picsearch.com


Tuesday, June 30, 2009

Inarte

Isang buong araw ang sinayang ko para bumorlog,mag mukmok at mag isip. Ang ending lutang pa rin ako. Wala akong pasok ngayon kumbaga dayoff ni Inday ngayon sa pag dadalubhasa sa tinatawag ng karamihan na "paaralan"!
Gusto ko na bumalik ang dati kong sigla pero ilang araw na din ako ganito,ayaw talaga(emo si ate'ng nyo)! Sabi nila na ang life span ng pain na ating nararamdaman *brokenheart* ay 5 minutes! Pag sumobra daw ito sa limang minuto ay inarte na daw ang tawag don! At oo nag iinarte ako!!
Alam ko walang kwenta to'ng pinagsasabi ko. At nararamdaman ko na nag-iinit na din ang ulo mo sa binabasa mo kay inihahandog ko ang...


Para sa inyong Suggestions,Violent reaction, hate letter, love letter*ambisyosa, o kahit anong anik anik pa yan ay aking papakingan. Kung may problema ka ay handa kita tulungan. Ibabahagi ko ang ilang kalokohan I mean kaalaman mula sa 3 units ko'ng subject na guidance and counseling kung saan nakakuha ako ng 3 dahil sa pakikinig sa professor ko habang tulog*haha!

Sige kaibigan sulatan mo na ako!