Tuesday, October 14, 2008

meOwW

Aw.Ang cute talaga ni mooning. Hindi namin cat yan. Isa yang Pusakal ( PUSAng KALye). Inampon lang ni kuya Mon si mooning,at siya ang kumakain ng mga tira-tira don sa plato.
Everytime na kumakain kami sa plato,hindi pwedeng hindi namin makikita yang si muning na nasa ilalim ng table. At nakaabang upang unahan kami sa lunch namin.
Hindi basta bastang pusa yan. Dahil siya ay isang extra ordinary pusakal.
Ang right eye niya ay color green. At ang left eye niya ay color gray. I'm not sure,yung left ata yung green eh, but sure ako na magka iba yung eyes niya.
Hindi ko napichuran yung ayes niya,baka kalmutin ako. Magasgasan pa ang mala porcelana ko'ng kutis.(ano daw?haha)
I love pets. Pero di nila ako love. One time nga my cute na puppy yung friend ko super tinahulan ako. GrrR...hindi naman ako mukhang monster!
Alam ko na kung bakit hindi maamo yung mga hayuuup sa'kin. Kasi hindi naman pet lover yung family namin. Galit ang ina ko sa hayup,espesially pusa. Eeewness daw kasi yung poo-poo nila e.
At everytime na maka kita ng pusa na nakikitulog sa labas ng house namin,hinahabol ng walis tambo ng nanay ko ang pusa. Super nag eeffort siya makipag away don with matching dialogue "lumayas kang peste ka"=))

Bad yun. Ang hayop man ay my karapatang mabuhay.
visit:Animal Protection Institute, http://www.api4animals.org/

No comments: