Tuesday, August 4, 2009

Maskara


Ang larawan na yan ay kuha mula sa tanyag na pamilihan sa Maynila. Kung ikaw ay may isang libo sa bulsa ay maari ka ng makabili ng kagamitan at saplot mula ulo hangang paa(isang buong outfit na oha!). Hindi din mahulugan ng karayom ang tao dito(lalo na pag x'mas season), kaya bawal ang aanga-anga dahil sa isang lingat mo lang ay naitakbo na ng magaling ang bag mo.haha!

Alam mo na kung sa'an yan? Kung oo
certefied pinoy ka nga. Ayos! Pero hindi tungkol sa pook na yan ang post na'to. Napadpad ako jan dahil may proyektong anik anik kami na dapat bilhin. Sa aking pag mamasid pumukaw sa aking pansin ang mga makukulay na maskara. Naalala ko tuloy itong blog ko na nilalangaw na dahil sa bihira ko ng pagbisita.

Isang Pilosopo ang nagsabi na..
"people often hide or mask their true feelings and present an image of what they think is expected"

Totoo yan. Lahat tayo ay nakasuot ng maskara. Tinatago ang ating totoong nararamdaman. Gusto lang natin ipakita sa lahat kung ano ang gusto natin ipakita. Ayaw natin malaman nila ang totoo nating emosyon . Sa likod ng mga ngiti na yan ang isang malungkot na mukha ang nag kukubli. Kunwari okay tayo. Kunawari masaya tayo. Kunwari lahat ng bagay ay naaayon sa kagustuhan natin. Pero hindi talaga.

Hindi masama magtago sa likod ng maskara. Lalo na sa mga pagkakataon kung saan yung mga tao sa paligid mo ay humihingi ng lakas sa'yo. Subalit hindi din masama na ipakita ang totoong nararamdaman natin. Hindi masama maging mahina. Ang mga taong marunong harapin ang kanilang emosyon ay mga taong totoong malakas.

8 comments:

ACRYLIQUE said...

A true miss that guides. haha. Asteeg ang music bagay sa post. :)

an_indecent_mind said...

tama ka, minsan kahit mahina tayo, kelangan nating maging malakas lalo na kung may umaaasa sa atin..

kahit na nahihirapan na tayo ng sobra sobra, kelangan pa rin nating ngumiti... para sa kanila.

nice post! nakarelate ako...

Goryo said...

ang-gandang ilustrasyon patungkol sa maskara.. kung si Goryo ang gagamit ng maskara... malamang aaten siya ng Masquerade Party.. hehehe

Jepoy said...

Ayos ang maskara! Parang pang Oscar's ang eksena. Salamat sa pagbisita sa bahay ko :-D

Superjaid said...

soo true miss g..Ü people tend to hide their true feelings even their true identity just to adopt to their environment..pero napakahirap ng ganun, kasi kapag lagi kang ganun, habang buhay kang mabubuhay sa kasinungalingan at lungkot..na sino ba naman ang may gusto,Ü

ROM CALPITO said...

totoo may mga taong nkakubli sa maskara tulad ng avatar ni miss guided haha (jok)

maskara ang pantakip sa mga emosyong ayaw ipakita sa mga nkapaligid.

mingkoy said...

"Kung may problema ka, magsuot ng maskara." -E-heads.

Cheers!

Hari ng sablay said...

tama tama gnayan ako minsan ngtatago sa likod ng maskara