Sunday, July 26, 2009

Malik-mata

May nagbigay sa akin ng blusang dilaw. Natuwa ako kagandahang loob nya. Pero hindi lubos ang kagalakan ko dahil sa tingin ko ay hindi ko naman ito magagamit. Maganda ang kulay(branded pa*hehe) pero mukha akong gift wrapper sa dami ng raffles nito. Alam ko uso ito, hindi ko lang talaga keribles(carry) suotin. Simple lang kasi ako manamit pero hindi manang.

Pinagmasdan ko muli ang blusa. Masisinan ko itong kinilatis. At na-realize ko ang kagandahan nito. Belt lang pala ang kailangan...winner na!

Para rin yang mga scenario sa buhay natin. Sa unang tingin,akala natin ay hindi maganda pero hindi pala.Kadalasan bina-base lamang natin sa ating unang impression ang saloobin at desisyon sa mga bagay bagay na nang yayari sa atin ng hindi pinag iisipan. Mali 'yon, mas maintindihan natin ang mga ito kung pag iisipan ito ng maraming beses.Sapat ng ang 100 times then make a decision*hehe.
Nasa kanya kanyang interpretasyon lang. Minsan nililinlang tayo ng mga mata natin. Minsan nakiki ayon lang tayo sa tingin ng nakararami.Pero ang mahalaga ay kung pano natin titidnan ang isang bagay dahil kaakibat nito ang bawat kilos natin.

Kung iniwan ka ng kasintahan/irog mo. Huwag kang malungkot. Isipin mo na lang ang kasunod nito tao na.*bitter smile*-missGuided

7 comments:

an_indecent_mind said...

tama ka... wag kang papadala sa first impression...

mas makikita mo at maiintindihan ang isang bagay kung ito ay iyong tititigan kaysa titingnan lang...

Goryo said...

ang-husay mo naman... nairilate mo ang blusa sa isang mahalagang leksyon sa buhay.. parang gusto ko makita ang blusa na yan.. hihi.. pero tama ka dun minsan jina-judge natin ang mga bagay bagay sa unang tingin..

Algene said...

tama. wala sa first impression yan. :)

dapat talagang suriin at kilalanin ang mga bagay-bagay bago bibitiw ng mga commento..

Jepoy said...

@ Gusto ang picture ni Luna Lovegood sa pictures at ang kanyang special glasses :-D

Hari ng sablay said...

sinong ngbigay ng blusa?ayeee...hehe

tama mnsan nakikiayon lang tayo sa mga nkakarami,hndi tuloy natin nagagamit ang sariling desisyon natin.

mingkoy said...

ang akala ko.... "isipin mo na lang, ham yan..."

hehe. na-malik-mata lang pala ako...

Cheers!

ROM CALPITO said...

totoo yan minsan dindaya tayo ng paningin nasa nagsusuot nman yan kung paano niya dalhin.

patingin nga miss guided yung pic
haha