Friday, May 29, 2009

Gatong pa!

Kahit saan ako lumingon. Umpukan sa kanto. Tsismisan. Internet. Dyaryo. Maging mga jokes sa text ito ang mainet na pinag uusapan at pinag pi-fiestahan ng karamihan. Kailan lang ako ay nag lalakad lakad sa Blogosperyo. Bawat madaanan kong blog ito ang mababasa mo. Pati mga madalas kong pag tambayan ay halos lahat ay may post tungkol dito. Ang katrina-hayden chorva!

Marami na ang nasangkot,napasali,nakasali,nadamay,naki epal,umeksena, at naki gatong! Hindi natin alam kung saan pupunta ang kwentong ito. Paano ito matapos? at higit sa lahat saan or should I say SINO ang nagsimula?

Basta ito lang ang masasabi ko...

Hindi kasalanan ni Hayaden Kho na maging gwapong manyak at marami ang natanga sa kanya!

Abangan ang susunod na kabanata! Mahaba haba pa ang lalakbayin ng Isyung ito pero ang alam ko lahat may katapusan!
* * *
" Walang usok kung walang Inihaw "- missGuided

Monday, May 25, 2009

Patok

Kasalukuyan akong nakahilata habang ngumangatngat ng peborit kong pang himagas na Jellyace. Nang....(insert sound: paparazzi by Lady Gaga*ringtone*) maka tanagap ako ng mensahe mula sa malapit na kaibigan.

BABALA: Para lamang ito sa mga mababaw ang kaligayahan tulad ko. Wag mong Basahin kung hindi ka kabilang sa'min dahil sinasabi ko sa'yo maiimbyerna ka ng tunay!

here it goes...

Guro: Ano ang ating pambansang hayop?Nag sisimula ito sa letrang k
student: Kuto!
Guro: Mali nasa lupa ito
student: kutong Lupa!
Guro: Hindi. 1 word lang ito at nagtatapos sa letrang W!
student: kutoW!
Guro: Mali! may Sungay ito
student: Demonyong kutoW!
Guro: Get OUT!

Superr halakhak ako! Yung tipong hindi na maka hinga sa kakatawa!haha. Ngayon ko lang na encounter ang joke na yan kaya bentang benta sa'kin!haha

ikaw?May itinatago ka pa bang joke jan na mas malupeet pa dito?

* * *
" Laughter is the best Medecine "-anonymous

Sunday, May 24, 2009

Perstym

Ang Miss Guided ay isinilang sa Blogosperya noong ika-21 ng Septyembre 2008. Bakit at pa'no nag karoon ng miss Guided? Ito ay sa kadahilanang "bored ako". Meron pa pala. Gusto ko magsulat. Kahit walang sense para sa iba at hindi sila maka kunekta sa mga pinagsa sabi ko ay patuloy pa din ako sa nais ko. Ngayon, matapos ang walong buwan na pagta tiyaga. Pinag mamalaki kong sabihin sa inyo na may award na'ko! hip hip hureeey! Oo gan'to lang ako kababaw!

Taos Puso akong nag papasalamat kay Gee para dito:
Ibinabahagi ko ang Gantimpala na'to sa mga sumusunod:

bartolina ng Lapido,
hari ng sablay ng Tambay,Violet ng silip,Rhodey ng kape at yosi, Pablong Pabling ng Ka-blogs-tugan at Stupidient ng BlagBlagan.

Eto pa..para sa mga naaliw,nabaliw,nagalit,bumisita,nag komento,napadaan,sumadya o kahit naligaw lang sa Miss Guide's Unlearned Lessons!
Para sa'yo yan..

SALAMAT kay rhodey ng kape at yosi para dito.






P.S Ibinabahagi ko din ang mga awards na'to sa Bagong Silang na si Waleey. Inaanyayahan ko din kayo na bisitahin sya.
* * *
" Kapwa ko maganda. Suporatahan ko ''- missGuided

Sunday, May 17, 2009

Libre 'to!

Ang larawan sa ibaba ay hindi yung sandatang laging hawak ni Satan at Poseidon na nagtataglay ng kanilang super powers. Symbolo po yan ng Psychology para sa mga di nakaka alam.
Greek: Ψυχολογία, lit. "study of the mind", from ψυχή psykhē "breath, spirit, soul"; and -λογία, -logia "study of"

Two years ago,summer non mag papasukan na.Ako ay namomroblema. Hindi mapakali. Hindi makapag isip ng mabuti. Nahihirapan magdesisyon. Hindi ko alam kung anong kurso ang kukunin. Sabi ng ina ko "mag education ka nak". Sabi ng kapatid ko "advertising na lang tulad ko". "Fine arts" yan naman ang sabi ng ama ko. Ano nga ba dapat?

Ang ending Education ang kinuha ko.Secondary Educ. major in english,hindi ko alam kung anong masamang ispirito ang sumanib sa'kin at kinuha ko yun.Alam ko di para sa'kin yun. Masyado maikli ang pasensya ko para maging isang guro. Sobrang gahol na kasi sa oras. Magpapa sukan na gulong gulo ako. Wala ako nagawa kundi ang sumang ayon na lamang sa kanila.

Alam ko bata pa lang ay dapat alam mo na ang gusto mong gawin sa buhay. Pero Hindi ako gano'n. Andami kong gustong gawin. Andami kong gustong subukan. Naalala ko pa non noong musmos pa lang ako pag tinatanong nila ako kung ano ang gusto ko pag laki ko ang lagi ko sinasabi ay gusto ko maging Miss Universe! O kaya lumipad at mangatulong sa eroplano! Yan ang panagarap ko no'n at marami pang iba. Nang lumaki ako I mean tumanda ako...na-realize ko na di pala pwede yun. Alam mo na pinag kaitan ng tangkad. Gumuho ang pangarap ko.*haha* Kaya...

Labag man sa kanilang kalooban,ay nag shift ako ng kurso. Ako ngayon ay isang taon nang pinag aaralan ang Psychology. At balak pang pag aralan sa susunod na 3 taon..at susunod pang 4 taon.. at susunod pang 2 taon. O kahit ilang taon pa yan para lang madagdagan ng mga letrang M.d, Ph.D, Psy.D,D.O or MBBS ang pangalan ko.
Ito talaga ang gusto ko.Ito talaga ako!

Libre kaya mangarap kaya lulubusin ko na!
* * *
Your vision will become clear only when you look into your heart. Who looks outside, dreams. Who looks inside, awakens- Carl Jung

Saturday, May 16, 2009

Ako mismo

Ako mismo ay nakakaramdam na ng tinatawag nilang Economic crisis! Hindi naman ako natangal sa trabaho tulad ng ibang pinoy na nakakaranas non. Nag aaral pa din ako at palamunin pa din ng mga magulang ko. Pero bakit ko nasabi na nakakaranas ako ng economic crisis? Dahil.. pinag hihigpitan na'ko ng sinturon ng ina ko. Alam ko wala akong karapatan na magreklamo at mag dadada ngayon dahil hindi ko naman pera ang nilulustay ko kundi galing sa pawis ng ama ko.
Bawat Mars(mentol) na hinihit hit ko at bawat alak na tinutunga ko ay galing mismo sa mga magulang ko. Ni piso wala pa ko maipagmamalaki na nabili ko na galing sa bulsa ko.Kahit isang halls candy na kinakain pagatapos ko mag yosi ay wala.

San na ba inaabot ng piso mo? kung nong araw masaya na'ko pag may piso ako pambili ng sitsirya ko...Ngaun wala na to'ng halaga. Kahit isang yosi wala.
Eh yung 5 piso mo sa bulsa ano ba ang nabibili mo? kung dati nakakasakay ka ng jeep gamit ang 5 piso mo..well ngaun hindi ka na makakarating sa paroroonan mo kung yan lang ang pera mo. mag coke sakto ka na lang.

Ngayon pa na bakasyon..wala akong summer class...meaning walang pera..meaning din walang pang bisyo at pang gimik. Ang ipon ko nong pasukan paubos na din. Pati ang binibigay nilang pera ay hindi na rin sapat. Pang load ko pa lang ay kulang na. Salamat sa sulitxt 15 . Ang labinlima kong pantext ay nai-stretch pa ng 100 txt per day!

Ang nais ko lang naman talagang sabihin ay...Pulubi na ko!haha

Na realize ko na ang tunay na value ng pera na pinag hihirapan ni ama at ina. At babawasan na ang bisyo at mag impok ng maayos. kung ang langam nga kaya...ako pa kaya..at...sana magkaron ako ng ganyan kadamimg kwarta pag gising ko.. :)

Ako mismo ay magsusumikap para sa sarili ko!

adios!yosi break muna..hehe!
* * *
salamat nga pala kaibigan kong si jen para sa larawan sa itaas.adios na tlaga.. :)

Friday, May 8, 2009

bakit nga ba?

Isang magandang ngiti ang pinakawalan.aww ang cute!

Ngunit ano nga ba meron sa likod ng kanyang kagalakan? Is it..

a. natatawa siya dahil nakikiliti siya sa pag karga ni manang.

b. nagagalak siya dahil dilaw na bulaklak sa kanyang tenga(idol nya si rosalinda)

c. walang pag sidlan ang kaligayahan nya dahil sya ang bida sa pic at hindi kita si manang.

or

d. None of the above

Ano sa tingin mo?

* * *

Ala lang talaga ako mai-post.Para lang masabi na nag update kaya ayan. Walang maikwento. Ilang araw na din ako di lumalabas ng bahay.Nag kukulong...para makalimot*emo mode for 3 sec*. Hep drama no more!

Salamat nga pala kay mareng angel para sa larawan na'to at kay baby jj para sa magandang ngiti.
Sana pasukan na...para masilayan ko na ang ngiti ni baby jj.

Saturday, May 2, 2009

a Compliment or an Insult?

A conversion between Miss Guided and Feelingero

Feelingero
: A*****?
miss Guided: Yes?
Feelingero: hey musta na? kaw ba yan?
miss Guided: I'm good. you?
Feelingero: Same.Ikaw ba yun kasama nila M*** dito before?
miss Guided: I think ako nga*laugh*. bakit?
Feelingero: Parang iba ka...laki ng binago mo ah? Ikaw ba talaga yung pumunta dito no'n?
miss Guided: Baka ibang tao yun.*plastic laugh*.cge see you around....
Feelingero: wait. Pero gumanda ka ah..
miss Guided: thanks.cge...

"Gumanda ka ah" Is it an insult or a compliment?
Whatever! Imbyerna pa din ako..
* * *
Para sa inyong kaalaman....
Feelingero
(fi·ling·ge·ro) n
- ang tawag sa taong nagpi-feeling
- Feelingera babaeng nagpi-feeling