Saturday, May 16, 2009

Ako mismo

Ako mismo ay nakakaramdam na ng tinatawag nilang Economic crisis! Hindi naman ako natangal sa trabaho tulad ng ibang pinoy na nakakaranas non. Nag aaral pa din ako at palamunin pa din ng mga magulang ko. Pero bakit ko nasabi na nakakaranas ako ng economic crisis? Dahil.. pinag hihigpitan na'ko ng sinturon ng ina ko. Alam ko wala akong karapatan na magreklamo at mag dadada ngayon dahil hindi ko naman pera ang nilulustay ko kundi galing sa pawis ng ama ko.
Bawat Mars(mentol) na hinihit hit ko at bawat alak na tinutunga ko ay galing mismo sa mga magulang ko. Ni piso wala pa ko maipagmamalaki na nabili ko na galing sa bulsa ko.Kahit isang halls candy na kinakain pagatapos ko mag yosi ay wala.

San na ba inaabot ng piso mo? kung nong araw masaya na'ko pag may piso ako pambili ng sitsirya ko...Ngaun wala na to'ng halaga. Kahit isang yosi wala.
Eh yung 5 piso mo sa bulsa ano ba ang nabibili mo? kung dati nakakasakay ka ng jeep gamit ang 5 piso mo..well ngaun hindi ka na makakarating sa paroroonan mo kung yan lang ang pera mo. mag coke sakto ka na lang.

Ngayon pa na bakasyon..wala akong summer class...meaning walang pera..meaning din walang pang bisyo at pang gimik. Ang ipon ko nong pasukan paubos na din. Pati ang binibigay nilang pera ay hindi na rin sapat. Pang load ko pa lang ay kulang na. Salamat sa sulitxt 15 . Ang labinlima kong pantext ay nai-stretch pa ng 100 txt per day!

Ang nais ko lang naman talagang sabihin ay...Pulubi na ko!haha

Na realize ko na ang tunay na value ng pera na pinag hihirapan ni ama at ina. At babawasan na ang bisyo at mag impok ng maayos. kung ang langam nga kaya...ako pa kaya..at...sana magkaron ako ng ganyan kadamimg kwarta pag gising ko.. :)

Ako mismo ay magsusumikap para sa sarili ko!

adios!yosi break muna..hehe!
* * *
salamat nga pala kaibigan kong si jen para sa larawan sa itaas.adios na tlaga.. :)

5 comments:

PABLONG PABLING said...

hoy congrats sa iyong pinaplano

mabuhay ka. magandang plano yan.

may future kang yumaman.

good luck po sa iyong adhikain!

Hari ng sablay said...

ako mismo ay pareho tayo,ang pambili ko ng yosi ay kupit lang sa tong(galing sa mga nagsusugal dito) ng mama ko,hirap ng tambay.haha

miss Gee said...

@ pablong pabling
salamat.salamat! kala ko pag gising ko marami na kong kwarta.hindi pala ganon yun kaya pagpapatuloy ko na plano ko.haha

@hari ng sablay
pag sinuswerte ina ko sa tong-its my balato ako pang yosi...pag wala kumukupit dn tulad mo.haha

mingkoy said...

haay. ako din marami akong gusto. maraming-marami. Talagang maraming bagay ang gusto ng bawat tao pero kakaunti lang ang mga bagay na nararapat. hmmmm. hinde.. madami din pala. hehe. hindi lang makuha... hehe.

cheers!

Mingkoy.

ROM CALPITO said...

pareho pla tayo miss guided puro crisis nalang din inaabot ko hayyyyy pati sa pag ibig crisis din.