Tuesday, June 30, 2009

Inarte

Isang buong araw ang sinayang ko para bumorlog,mag mukmok at mag isip. Ang ending lutang pa rin ako. Wala akong pasok ngayon kumbaga dayoff ni Inday ngayon sa pag dadalubhasa sa tinatawag ng karamihan na "paaralan"!
Gusto ko na bumalik ang dati kong sigla pero ilang araw na din ako ganito,ayaw talaga(emo si ate'ng nyo)! Sabi nila na ang life span ng pain na ating nararamdaman *brokenheart* ay 5 minutes! Pag sumobra daw ito sa limang minuto ay inarte na daw ang tawag don! At oo nag iinarte ako!!
Alam ko walang kwenta to'ng pinagsasabi ko. At nararamdaman ko na nag-iinit na din ang ulo mo sa binabasa mo kay inihahandog ko ang...


Para sa inyong Suggestions,Violent reaction, hate letter, love letter*ambisyosa, o kahit anong anik anik pa yan ay aking papakingan. Kung may problema ka ay handa kita tulungan. Ibabahagi ko ang ilang kalokohan I mean kaalaman mula sa 3 units ko'ng subject na guidance and counseling kung saan nakakuha ako ng 3 dahil sa pakikinig sa professor ko habang tulog*haha!

Sige kaibigan sulatan mo na ako!

Friday, June 26, 2009

disi-otso


I don't believe in the phrase above!
I only believe that...

For 18 years I lived in this world WITHOUT you...I can live another 18 years or another million years WITHOUT YOU even after I met you!


right?

Tuesday, June 23, 2009

Sukdulan

Current mood: Praning! (masama loob ko ngayon. Mababaw lang ang pinag huhugutan nito. Isang bagsakan mamaya wala na. Just bear with me)

Hindi perpekto ang mundo. Lahat tayo ay hindi perpekto! Dadagukan ko ang magsasabi ngayon sa harapan ko habang nakangiti nang "Perpekto ako at lahat ng bagay sa paligid ko!Kaya masaya ako!"

Wake up B*tch! Tama na ang daydreaming! Kahit i-rotate mo pa ng 720 degrees ng paulit ulit na parang bola ang mundo. Hindi nito mababago ang katotohanan na lahat tayo ay imperfect.

Oo..hotdog lang kaya ko iluto pero alam ko naman ang pinag kaiba ng masarap sa hindi!Oo..wala akong legs na kasing haba ng kay Ms. Melanie Marquez pero maganda ako.(kahit wala maskara! palag?*hihi*)! Oo..hindi ako magaling mag sulat pero magaling naman ako magbasa! Oo..masyado akong Transparent pero atleast ako hindi takot mag express ng feelings ko! Oo..after one hour ako magreply sa text pero nagrereply ako kahit anong mangyari! Oo..single ako ngayon pero bukas hindi na! Oo..matigas ulo ko pero alam ko ginagawa ko!

Oo lahat tayo hindi perpekto pero kaya natin itama ang lahat kahit gaano pa ito ka-sukdulan.

Hindi natin mapapa ikot ang mundo ayon sa kagustuhan natin. Hindi lahat ng oras kakampi natin si Bro! Hindi lagi goodmorning sunshine ang umaga natin, minsan umuulan. Hindi lahat ng tao kaya tayo tangapin at intindihin. Pero may magagawa tayo..tangapin lahat yon...makibagay... at magpatuloy sa pagalalakad!

*isang malaking buntong hininga hayyy!*

Thursday, June 18, 2009

Eskandalosa

BABALA: Iminumungkahi ko para sa mga may sakit sa puso at mahilig sa kape na wag na lamang pakingan ang mga sumusunod! Kung curious ka talaga.Sige paki hinaan mo na lang ang volume :D



Ano napakingan mo ba? O hindi mo na tinapos ang 9 min at 57 seconds dahil ang sakit na ng tenga mo! Kahit ako nag PINTIG din ang dalawa kong tenga. Pero natapos ko ito. Bawat salita nya at litanya ni ateng napakingan ko.

Ito lang ang nasa isip ko pag katapos ko marinig ito. Praning ba sya? O sadyang nasobrahan lang sya sa rugby? Ang laki siguro ng problema nya pero hindi ibig sabihin nito na may karapatan na sya mag-
act ng ganyan. Sino'ng matinong tao ang mandadamay ng walang kamuwang-muwang na Pinoy at pag initan ang kawawang call center agent dahil lang sa hindi sya makapag withdraw! Nakaka-windang sya! Sana nga hindi totoo to.

Pero ito yung pinaka malupet na sinabi nya "
Mga P*t* kayo! Ako lang ang Pilipino na gusto ko!"
Kung nakakamatay lang ang salita kinakain na siguro tayo ng uod ngayon. Nako teh itulog mo lang yan! :D

Parang period lang sa bawat sentence nya kung mag mura ng P*tooooot*.
Nabilang mo ba kung naka ilang P*t***ina siya?
(May premyo makakabilang ng tama hehe)

Monday, June 15, 2009

Unang Araw

Maingay. Kanya kanyang umpukan. Bawat isa ay may kanya kanyang adyenda. Halos di maubusan ng mga kwento. Mistulang talipapa ang kapaligiran.Hangang sa isang pamilyar na boses ang aming narinig. Napatingin kami sa bawat isa. Natahimik ang paligid. Tila bang may isang anghel ang dumaan. Makikita mo sa aming mga mata ang pangamba. Iisa lang ang tumatakbo sa isip ng bawat isa..."oh no! Hindi maari ito"

Lumabas sa pinto ang imahe ng pamilyar na tinig na aming narinig. Tama ang aming hinala. Hindi kami nag kakamali. Sya nga...sya nga! waahh!

" yes class. I am your professor at this class. Code 0914 blah blah blah. Ako nga!"

Parang nabingi kami sa aming narinig.

" Alam ko alam nyo kung paano itong klase ko. Kung sino man sa inyo ang gusto lumipat sa kabilang klase go ahead di ko kayo pipigilan. I am giving you a chance to transfer to Mr. P's class"

Walang sumagot. Tahimik ang lahat.

" Kayo? Do you want to stay here or what? Alam ko ayaw nyo dito. I am allowing you transfer to the other class?

Isa sa mga paborito nyang studyante ang sumagot..

" Lilipat po ako." habang nakatingin sa akin. Tila ba humihingi ng suporta.

"Go. You know na what to do. Give your form to Mr. P "

"Ok ma'am" sabay walkout.

Pagkatapos ibinaling ang tingin sa isa pang paborito nyang estudyante

"MissGuided gusto mo din lumipat?"

"No ma'am" ang sagot nya.
Align Center

Nag tanong muli "Are you sure? "

"Yes ma'am. I'm not going anywhere! Dito lang ako FOREVER!" sambit ni MissGuided sabay ngiting Demonyita.

Mabait na professor naman sya. Mabuting studyante naman ako(pag sa labas ng klase*hehe*). So ano'ng problema? Wala! Hindi ko lang naman gusto ay yung pag iinitan nya yung klase nya dahil lang sa kasalanan ng isang pasaway. Hindi po ako yung pasaway nag kataon lang na kaibigan ko yung Magaling na yon.

Pero kahit pinag iinitan ako non. Okay lang. Magaling na Guro sya. Sa tingin ko dala lang yun ng katandaan. Alam ko marami pa akong dapat matutunan sa kanya kaya hindi ako lumipat sa ibang klase.

Parang nakikita ko na ang mangyayari susunod na limang buwan. Mukhang masaya toh! Nae-excite na ako! *demonlette laugh*.

Thursday, June 11, 2009

bakit?

May mga tanong ako at bagay na hindi maintindihan dito sa mundong ibabaw. Maraming question mark ang nagpo-pop out sa loob ng utak ko na magpa sahangang ngayon ay hinahanapan ko pa rin ng kasagutan. Tulad ng...

Bakit kulay pink ang peborit(favorite) ni Bayani Fernando? Wala akong problema sa kulay pink...kung mapapansin nyo nga e parang website ng MMDA ang blog ko. Pero sa lansangan ito ang makikita mo?haha kaya marami pa din pasaway na hindi nag-o-obey ng rules.Hindi mo alam kung seseryosohin mo ang babalang...
Walang tawiran nakamamatay
!

Ito pa bumabagabag sa pag tulog ko sa gabi...Bakit Platinum lahat ng album ni papi at # one pa? I mean will.(wowowee obvious ba'ng jologs ako?haha) Tinalo nya pa ang mga totoong singer...tulad nila Gary V, Sarah G, Regine Velasquez at marami pang iba. Parang nainiwala na ko sa Kamandag "daw" ng kagwapuhan nya! haha

At higit sa lahat... Bakit ba kating kati sila palitan ang constitution?
Utang na loob.Wag nyo kami Paandaran!
No to Conass!

Baka kayo alam nyo sagot sa ilan sa mga katanungan ko?

Wednesday, June 10, 2009

Tanga lang!

Nawiwindang ako! Alam nyo ba kung bakit ako nag alsabalutan mula dito papunta doon? Dahil lang sa gusto ko lang palitan yung header ko! Isang araw kasi bigla na lang ako sinipag mag explore sa Adobe. Hindi ako marunong gumamit nito...natatanga ako! Hangang sa... Success whoooo!! Hindi ko sinasadyang magawa 'to....Sa sobrang galak ko! Gusto ko na agad palitan yung puting ballpen sa taas na kinopy paste ko kung saan! Pero sa hindi inaasahang pag kakataon...ayaw nyang gumana! Anak ng p***(tooooot)! Sinubukan ko'ng muli. Ayaw pa din! Tinanong ko si google kung bakit ganon? Binigyan nya ko ng tips. Sinubukan ko uli ayon sa pagkaka intindi ko sa sinabi nya pero ayaw pa rin! Ayoko na suko na ko! Kaya ayan nag desido ako umalis dito. Tanga tangahan talaga ako sa mga anik anik na options and chorva! GrR!

Okay na ang miss Guided don sa kabila ayos don maganda. Pero bat ganon? Lahat ng post na ginagawa ko don hindi matapos! Namamahay ata ako!
***
Gusto nyo ba na bumalik na ko dito? Kung my keber ka...ayun pasagutan naman yung poll sa taas.Salamat!

Tuesday, June 9, 2009

home sweet home

Photobucket

Nag lipat bahay ako. Under construction pa yon pero mas okayy don. Sana Bisitahin nyo pa rin ako!

Click mo lang ito! Thankyouso0much *hapiiface*

Sya nga pala my libreng pa kape don sa bagong bahay ko....hihintayin kita =D

Saturday, June 6, 2009

Tanong ng Bayan (para kay Goryo)

Ako si missGuided. Labin walong taon nang sakit ng ulo ng kanyang magulang. Imbyerna sa ipis (eeww). May anim na Barbie dolls,2 putol ang ulo. Apat na taon ng BFF ang pulang kabayo. Dalawang taon ng nababaliw sa pag aaral ng Sikolohiya(psychology). Madalas makati ang paa,kung saan saan napapadpad (hindi dahil sa may alipunga ako*hehe*). Peborit ang taho. Laging may pintura ang kuko. Hindi makatulog pag may ilaw. Mahilig bumili ng sampaguita sa baclaran tuwing miyerkules. Partner in crime si Blair Waldorf (hehe).At higit sa lahat mabait po ako...pag tulog!

Ayan may isang dosena ka ng alam tungkol sa'kin. Gusto mo pa bang malaman kung bakit missGuided?

Marami na din ang nagtanong kung bakit missGuided si missGuided. Bakit nga ba? Pamilyar ba kayo sa american tv show na Miss Guided? E sa character ni Becky Freeley? Kung hindi itanong mo kay google! =D.

I really love the character of Becky Freeley.She's crazy,hilarious,desperate but full of hope and passion. She loves Guiding other peoples lives but she herself can't handle her own life. still I love her soO much because I see myself to her.

* * *

" Oo hindi sya marunong magtanda sa mga kamalian nya. Pero hindi ibig sabihin no'n na tanga siya. Matigas lang talaga ang ulo nya "-missGuided

Wednesday, June 3, 2009

Baliw

Sigurado ka ba sa nakikita mo? Sigurado ka ba sa sarili mo? Sigurado ka ba na hindi ka nililinlang ng isip mo? Paano kung sabihin ko sayo na lahat ng nakikita at pinaniniwalaan mo ay hindi totoo.

Laptop nga ba yang nasa harapan mo at hindi karton na kinakasangkapan mo para maligayahan ang diwa mo sa mga bagay na wala naman talaga sa'yo? Mamahalin na saplot nga ba ang nasa katawan mo at hindi ma
duming tela na araw araw mo na isinusuot pang proteksyon sa balat mo? Salapi nga ba ang nasa bulsa mo at hindi papel lang na inaabot mo pambili ng mga nais mo? Malambot na kama nga ba ang hinihigaan mo at hindi Dyaryo na nakasapin sa bangketa? Maganda sa tenga na musika nga ba ang pinakikinggan mo at hindi ang ingay ng mga jeepney at tindero sa lansangan ang naririnig mo? Kilala mo nga ba ang kausap mo at hindi estranghero na inaakala mo'ng kakampi mo?

Napa isip ka ano?

Napa isip din ako. Paano nga kung ang lahat ng pinaniniw
alaan nating tama ay mali pala? Paano nga kung ang lahat ng bagay na meron tayo ay wala pala talaga? Na lahat ng tumatakbo sa isip natin ay pawang illusyon lamang at produkto lang ng ating malikot na isip. Paano nga? Anong gagawin mo? Ang tanong e may magagawa ka ba kung nakulong ka na sa mundong ginawa mo na ikaw lang ang nakaka intindi? May magagawa ka?

Marami na ang nakakaranas ng ganyan. Nawala sa sarili. N
awalan ng ulirat. Ang kadalasan ang dahilan nito ay trahedya na hindi na kinaya.
" Kung hindi mo na kaya pag katiwalaan ang sinasabi ng isip maniwala ka sa sinasabi ng puso mo "-missGuided
* * *
( Na e-excite nga lang ba ako pag aralan ang abnormal psych ngayong sem o sadyang ganito talaga kapag na-ulanan kaya kung ano ano ang naiisip?*laugh*)

Tuesday, June 2, 2009

Mapusok

Minsan ng nasunog ang kanyang pakpak. Malaki ang naging pinsala ang idinulot ng pang yayaring ito. Mahirap ang maglakbay ng sugatan kaya minabuti niya muna na pansamantalang mamahinga para mag hilom ito. Mahirap ang prosesong pinag daanan nya para kalimutan at mag hilom ang sugat. Alam nyang kailangan ito. Alam nyang ito lang ang tanging paraan. Nag pakalayo sya. Dumistansya. Nag pahinga.

Buo na Sya!

Ngayon handa na muli syang ilabas ang kanyang pakpak. Ang kanyang bagong pakpak...at lumipad!

Naglalakbay na muli sya. Nilibot ang kanyang paligid. Hangang sa...nakita nya muli ito.
Nahumaling muli sya.Naakit. Natukso. Lumapit.

Alam nya kung ano ang kahahantungan ng kanyang ginagawa. Nang kanyang kapusukan. Akala nya tapos na sya dito. Akala nya alam na nya ang gagawin kapag dumating ang araw na'to. Ngunit Hindi pala.

Nakiki-pag sapalaran sya ngayon. Naniniwala sya na sa pagkakataon na'to iba na ang kapalaran nya...at hindi na muli mangyari ang dati.

kaya patuloy pa rin sya sa pakikipaglaro dito!

* * *

Whenever a man does a thoroughly stupid thing, it is always from the noblest motives. ”-Oscar Wilde