Thursday, June 11, 2009

bakit?

May mga tanong ako at bagay na hindi maintindihan dito sa mundong ibabaw. Maraming question mark ang nagpo-pop out sa loob ng utak ko na magpa sahangang ngayon ay hinahanapan ko pa rin ng kasagutan. Tulad ng...

Bakit kulay pink ang peborit(favorite) ni Bayani Fernando? Wala akong problema sa kulay pink...kung mapapansin nyo nga e parang website ng MMDA ang blog ko. Pero sa lansangan ito ang makikita mo?haha kaya marami pa din pasaway na hindi nag-o-obey ng rules.Hindi mo alam kung seseryosohin mo ang babalang...
Walang tawiran nakamamatay
!

Ito pa bumabagabag sa pag tulog ko sa gabi...Bakit Platinum lahat ng album ni papi at # one pa? I mean will.(wowowee obvious ba'ng jologs ako?haha) Tinalo nya pa ang mga totoong singer...tulad nila Gary V, Sarah G, Regine Velasquez at marami pang iba. Parang nainiwala na ko sa Kamandag "daw" ng kagwapuhan nya! haha

At higit sa lahat... Bakit ba kating kati sila palitan ang constitution?
Utang na loob.Wag nyo kami Paandaran!
No to Conass!

Baka kayo alam nyo sagot sa ilan sa mga katanungan ko?

6 comments:

Hoobert the Awesome said...

first! hehe. base ako.

bading ba si bayani? di naman siguro. wahekhek!

oo nga. napansin ko rin na tinalo pa ni willie ang "tunay" na mga singers. maganda kasi yung mga kanta niya... i mean yung lyrics pero hindi yung pagkakanta. PEACE. yun nga sigro yung uso ngayon. remember pacquiao? ngayon naman si dr. calayan. hehe.

minamadali nila yung con-ass kasi ireregalo daw nila yun kay PGMA before mag-SONA. wag naman sana!

J.D. Lim said...

Isa lang naman dahilan kung bakit: term extension. pag nawala sa poder si gloria, sa kulungan sila mapupunta. :D

Algene said...

first q: idk and idc. :)

second q: same tayo ng question. bakit ba siya number one? hindi naman siya great singer. :D siguro dahil makamasa siya..

third q: bakit nga ba? basta, ako no to con ass! i don't believe that the revision of the 1987 phil. consti. is the right thing to do.

Goryo said...

Ang alam ko lang maraming mga buwaya at pasaway sa Gobyerno ang sarap ihawin at pulutanin.. hay!!!

PABLONG PABLING said...

ang pink kase ay real man's color. Ayon iyan sa psychology class namin.

- - -

ang kay willie naman, wala po akong alam sa kanya. =) baka naman dahil may wowowee siya madaming nabili ng album niya lalo na sa tfc

- - -

ung pangatlo . . gusto pa din ni gloria umupo bilang namumuno sa ating bansa

=)

Hari ng sablay said...

isa lang ang sagot dyan.

pinoy tayo!

walang gnyan sa states.