Tuesday, June 2, 2009

Mapusok

Minsan ng nasunog ang kanyang pakpak. Malaki ang naging pinsala ang idinulot ng pang yayaring ito. Mahirap ang maglakbay ng sugatan kaya minabuti niya muna na pansamantalang mamahinga para mag hilom ito. Mahirap ang prosesong pinag daanan nya para kalimutan at mag hilom ang sugat. Alam nyang kailangan ito. Alam nyang ito lang ang tanging paraan. Nag pakalayo sya. Dumistansya. Nag pahinga.

Buo na Sya!

Ngayon handa na muli syang ilabas ang kanyang pakpak. Ang kanyang bagong pakpak...at lumipad!

Naglalakbay na muli sya. Nilibot ang kanyang paligid. Hangang sa...nakita nya muli ito.
Nahumaling muli sya.Naakit. Natukso. Lumapit.

Alam nya kung ano ang kahahantungan ng kanyang ginagawa. Nang kanyang kapusukan. Akala nya tapos na sya dito. Akala nya alam na nya ang gagawin kapag dumating ang araw na'to. Ngunit Hindi pala.

Nakiki-pag sapalaran sya ngayon. Naniniwala sya na sa pagkakataon na'to iba na ang kapalaran nya...at hindi na muli mangyari ang dati.

kaya patuloy pa rin sya sa pakikipaglaro dito!

* * *

Whenever a man does a thoroughly stupid thing, it is always from the noblest motives. ”-Oscar Wilde

6 comments:

Hari ng sablay said...

sino siya?mapusok nga, :)

PABLONG PABLING said...

ikaw ba ang babaeng ito

ampusok pusok

miss Gee said...

@ Hari ng Sablay and Pablong Pabling

sino sya? AKO nga! ang mapusok na GAMO-GAMO. (tama ka! hindi ka nag kakamali! Insekto nga ako.hehe)

Rhodey said...

gamo gamo in the city ba ito? aheheheks...

pero may mga pagkakataon talagang kailangang masugatan at masaktan para malaman mong itoy masakit, upang hindi na muling gawin, subalit minsan may mga pagkakataon ding masarap masaktan kayat inuulit mo ito...

Pero isa lang talaga ang masasabi ko..

aheheheheks... yun lang hehehe...

The Pope said...

Parang The Moth ni Rizal ito, mapusok kaya nasunog ang pakpak... pero gusto ko sya, may laman.

A Blessed evening to you...

Life is Beautiful, keep on blogging.

miss Gee said...

may mga tao I mean Insekto lang talaga na hindi marunong matuto sa pagkakamali nito...ahehe