Monday, June 15, 2009

Unang Araw

Maingay. Kanya kanyang umpukan. Bawat isa ay may kanya kanyang adyenda. Halos di maubusan ng mga kwento. Mistulang talipapa ang kapaligiran.Hangang sa isang pamilyar na boses ang aming narinig. Napatingin kami sa bawat isa. Natahimik ang paligid. Tila bang may isang anghel ang dumaan. Makikita mo sa aming mga mata ang pangamba. Iisa lang ang tumatakbo sa isip ng bawat isa..."oh no! Hindi maari ito"

Lumabas sa pinto ang imahe ng pamilyar na tinig na aming narinig. Tama ang aming hinala. Hindi kami nag kakamali. Sya nga...sya nga! waahh!

" yes class. I am your professor at this class. Code 0914 blah blah blah. Ako nga!"

Parang nabingi kami sa aming narinig.

" Alam ko alam nyo kung paano itong klase ko. Kung sino man sa inyo ang gusto lumipat sa kabilang klase go ahead di ko kayo pipigilan. I am giving you a chance to transfer to Mr. P's class"

Walang sumagot. Tahimik ang lahat.

" Kayo? Do you want to stay here or what? Alam ko ayaw nyo dito. I am allowing you transfer to the other class?

Isa sa mga paborito nyang studyante ang sumagot..

" Lilipat po ako." habang nakatingin sa akin. Tila ba humihingi ng suporta.

"Go. You know na what to do. Give your form to Mr. P "

"Ok ma'am" sabay walkout.

Pagkatapos ibinaling ang tingin sa isa pang paborito nyang estudyante

"MissGuided gusto mo din lumipat?"

"No ma'am" ang sagot nya.
Align Center

Nag tanong muli "Are you sure? "

"Yes ma'am. I'm not going anywhere! Dito lang ako FOREVER!" sambit ni MissGuided sabay ngiting Demonyita.

Mabait na professor naman sya. Mabuting studyante naman ako(pag sa labas ng klase*hehe*). So ano'ng problema? Wala! Hindi ko lang naman gusto ay yung pag iinitan nya yung klase nya dahil lang sa kasalanan ng isang pasaway. Hindi po ako yung pasaway nag kataon lang na kaibigan ko yung Magaling na yon.

Pero kahit pinag iinitan ako non. Okay lang. Magaling na Guro sya. Sa tingin ko dala lang yun ng katandaan. Alam ko marami pa akong dapat matutunan sa kanya kaya hindi ako lumipat sa ibang klase.

Parang nakikita ko na ang mangyayari susunod na limang buwan. Mukhang masaya toh! Nae-excite na ako! *demonlette laugh*.

8 comments:

Hari ng sablay said...

haha may mga prof tlga na nkakatakot pro mgling mgturo dba.

buti hindi ka inaway nung pren mo hindi mo siya sinuportahan,haha. pinagaway.

Hermogenes said...

inayyyYY!!!

prof na terrorista? este terror pala... masarap yang ganyang prof lalo na kapag ang subject nya e trigo o algebra, putsa sarap na lang mag-drop... mahirap na yung subject kumakain pa ng estudyante yung prof... patay tayo dyan!

ROM CALPITO said...

nasa college ka na ba miss guided?
anong course mo?

Sarap ng studyante noh?
pagbutihan mo sana mkatapos ka sa kurso mo. pray ka lang plagi.

Better Than Coffee said...

kung ako pa iyon, nag-transfer agad ako sa klase ni mr. p

love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com

miss Gee said...

@ Hari ng sablay
oo? si dragona mabait yun pag tulog!haha pero magaling talaga sya!

lam mo ba after ng class?inabangan ako tapos,sabunutan! joke!hehe wala s'min yon :D

@ tonio
hindi lang kumakain ng buhay duduraan ka pa ng apoy! wooh! pero ganyan prof gusto ko yung tipong sinisindak ako. nakaka challenge ba.hehe

@ jettro
opo. tatlong taon na po ako nag aaral ng Psychology. masarap talaga buhay estudyante pero sakit sa ulo lalo na kung may prof kang dragon.:)

@ Nobe
Gusto ko sana mag transfer pero na isip ko na mas okay dito kahit pinag iinitan ako atleast dito alam ko na kung pano sya utuin ksi prof ko na siya before. papa amuhin ko yung dragon.hehe

keb said...

Ayyy, muntik na! Buti di ka lumipat kay Mr P! Ahaha, coool! Nice post!

PABLONG PABLING said...

tama ang ginawa po, hindi mo pinakitang natatakot ka sa kanya, isang malaking pag hanga ang nakuha mo sa kanya malamang. . .

ps: kung ako siguro iyon umalis na din ako. ayaw ko ng prof na mag papa alis sa akin sa klase. :)

miss Gee said...

@ keb
ayoko lumipat! gagawim kong hell ang klase nya! haha saka papatunayan ko pa na mali ang empression nya sa akin :)

@ Pablong Pabling
nako di tlaga ako papasindak sa kanya noh! kahit kaladkarin nya pa ko palabas! haha