Thursday, June 18, 2009

Eskandalosa

BABALA: Iminumungkahi ko para sa mga may sakit sa puso at mahilig sa kape na wag na lamang pakingan ang mga sumusunod! Kung curious ka talaga.Sige paki hinaan mo na lang ang volume :D



Ano napakingan mo ba? O hindi mo na tinapos ang 9 min at 57 seconds dahil ang sakit na ng tenga mo! Kahit ako nag PINTIG din ang dalawa kong tenga. Pero natapos ko ito. Bawat salita nya at litanya ni ateng napakingan ko.

Ito lang ang nasa isip ko pag katapos ko marinig ito. Praning ba sya? O sadyang nasobrahan lang sya sa rugby? Ang laki siguro ng problema nya pero hindi ibig sabihin nito na may karapatan na sya mag-
act ng ganyan. Sino'ng matinong tao ang mandadamay ng walang kamuwang-muwang na Pinoy at pag initan ang kawawang call center agent dahil lang sa hindi sya makapag withdraw! Nakaka-windang sya! Sana nga hindi totoo to.

Pero ito yung pinaka malupet na sinabi nya "
Mga P*t* kayo! Ako lang ang Pilipino na gusto ko!"
Kung nakakamatay lang ang salita kinakain na siguro tayo ng uod ngayon. Nako teh itulog mo lang yan! :D

Parang period lang sa bawat sentence nya kung mag mura ng P*tooooot*.
Nabilang mo ba kung naka ilang P*t***ina siya?
(May premyo makakabilang ng tama hehe)

13 comments:

an_indecent_mind said...

hehehe!! napakinggan ko na dati yan...

sumakit ulo ko... grabeng bunganga!! LOLZ

Goryo said...

Sana winidraw muna nya yung ka-praningan niya bago siya tumawag. Duda ko jan namimilipit na siyang makatikim ng droga kaso wala siyang pang-iskor kaya ganun na lang siya ka-aburido..

Kung kilala mo man kung sino yang babaeng yan sabihin mo mag-quit na siya sa droga, Dragon Kew-tohl nalang ang tirahin niya.. kasi sa Dragon Katalok - Lamok siguradong teypok!!! hehehe pati siya matetepok nang mabawas-bawasan naman ang sakit ng mga call center agent..

Grabe nakaka-stress pala talaga maging call center agent noh? Kelangan matindi ang concentration at mind set na magawa mo.. huh.. bumigat talaga ang dib-dib ko sa babeng yan. Pinaglihi ata sa dila ng dragon ang taong yan O baka naman iisa ung Word sa dictionaring binili ng nanay nya para sa kanya nung bata pa siya.. hay buhay.. kakawindang talaga yang taong yan..

San kaya nakatira yan, ano kaya pangalan nyan.. cencya na dko na tinapos di kasi kaya ng powers ko.. hu..

Sa kauna-unahang pagkakataon. ngaun palang ako nag-comment ng masmahaba pa sa ibang blog entry. Sobrang na-apek2han talaga ako sa tabas ng Dila ng taong yun.. Dila palang sunog na sunog na sa impyerno!!!

haaaayyy!!!

miss Gee said...

@ an indecent mind
ay nako sobrang nag pintig din ako jan!sarap putulin ang dila!haha

@ Goryo
Praning! yan ang tawag sa kanya!haha.Hindi ko sya kilala pero cge pag nakita ko sya papalunok ko sa kanya ng buong buo ang katol na may sindi para siguradong teypok kapraningan nya!

nakaka stress talaga nako kung ako yung call center agent pinatulan ko na yon!

ganyan din yung naramdaman ko nong una ko narinig yan! ang bigat sa dibdib! 2 weeks ago pa yon at ngayon palang ako naka move on jan!
matagal ko sinulat tong post na'to. Inaamag na nga sa draft ko e. haha

Ibang klase ang tabas ng dila nya! dapat pa-license nya yan.nakakapatay yan eh!

nagulat din ako sa haba ng comment mo. naapektohan ka nga haha.

pero salamat sa komento :)

PABLONG PABLING said...

sakit ng ulo ko miss gee na paronda ronda na lang.

tinapos ko talaga ito, ang bigat naman sa damdamin...hays, ,

na- alala ko tuloy nung nag tatrabaho din ako sa call center, pero di naman pilipina ang gumanyan sa akin.

--sa tingin ko lang may sayad ang babaeng yan, sus mag wiwidro lang.
yung bungad din kase nung lalake "sige po basagin niyo" lolols

haayyy.... ang aga ko nito pinakinggan, sumakit ang puso ko. hahaha

ACRYLIQUE said...

Buhay pa kaya ito. Or nangungulam na?
Amf na dila yan. may small cnahnts pa sya in-between. hanep. Di kaya siya napapagod?

miss Gee said...

@ Pablong Pabling
ang sarap sa agahan yung boses nya noh?ahah! praning yon! bigat din ng pakiramdam ko jan.Kinaya mo ba hangan dulo?hehe

@ Acrylique
nako feeling ko buhay pa yan! naniniwala kasi ako na ang masamang damo matagal mamatay!haha

Hari ng sablay said...

narinig ko na dati to.hehe

cra ulo yang babaeng yan.baliw. nkakaawa siya.

kawawa tuloy yung agent na sinigaw sigawan,haha

Anonymous said...

pores. i`m now asking for your help. promote mo nmn site ko to win the chova blog awards :) ILOVEYOU.

♕ reyna said...

haizzzz...

kawawang agent... tsk tsk...
ive been a call center agent before... and it takes a great amount of patience and stress management skills. I'm sure that call is a life changing experience for that agent. I hope di din siya na re primand for answering back the caller with... "Kayo ho" (when caller said babasagin yung glass... at "same to you" when she said curse word.

baliw at hayuf yung caller!...
nakaka pag init ng dugo... dapat diyan sa mga ganyang tao... ikulong... ikulong sa mental hospital!!! hahaha..

keb said...

Ganda, sarap sa tenga. Parang music.

ROM CALPITO said...

Matindi nama yung mga salita non hayyy parang hindi tao yon!

Sa salita mo masasalamin pagkatao nung babaeng yon.

Naniniwala ako sa karma hintayin niya ang mas matinding dagok sa buhay niya mas matindi sa mga binitiwan niyang mga salita. Ang nasa itaas ang magpaparusa sa mga ganyang tao. Sa bawat kasalanan may problemang katumbas na kakaharapin.

Rouselle said...

Sinend din sakin to sa email, and by golly! Parang namanhid yun tenga ko sa lutong ng pagmumura nya. Unbelievable. I think mas malalim pa ang problema nya kesa dun sa problema nyang hindi sha maka-withdraw. Nagkapatong-patong lang.

Poor CSR.

Rhodey said...

wow....

some kind of a praning is calling aheheheks...

anak nang tipaklong, buti nalang wala akong na recieve na calls na ganyang noong nasa call center pa ako aheheheks...