Sigurado ka ba sa nakikita mo? Sigurado ka ba sa sarili mo? Sigurado ka ba na hindi ka nililinlang ng isip mo? Paano kung sabihin ko sayo na lahat ng nakikita at pinaniniwalaan mo ay hindi totoo.
Laptop nga ba yang nasa harapan mo at hindi karton na kinakasangkapan mo para maligayahan ang diwa mo sa mga bagay na wala naman talaga sa'yo? Mamahalin na saplot nga ba ang nasa katawan mo at hindi maduming tela na araw araw mo na isinusuot pang proteksyon sa balat mo? Salapi nga ba ang nasa bulsa mo at hindi papel lang na inaabot mo pambili ng mga nais mo? Malambot na kama nga ba ang hinihigaan mo at hindi Dyaryo na nakasapin sa bangketa? Maganda sa tenga na musika nga ba ang pinakikinggan mo at hindi ang ingay ng mga jeepney at tindero sa lansangan ang naririnig mo? Kilala mo nga ba ang kausap mo at hindi estranghero na inaakala mo'ng kakampi mo?
Napa isip ka ano?
Napa isip din ako. Paano nga kung ang lahat ng pinaniniwalaan nating tama ay mali pala? Paano nga kung ang lahat ng bagay na meron tayo ay wala pala talaga? Na lahat ng tumatakbo sa isip natin ay pawang illusyon lamang at produkto lang ng ating malikot na isip. Paano nga? Anong gagawin mo? Ang tanong e may magagawa ka ba kung nakulong ka na sa mundong ginawa mo na ikaw lang ang nakaka intindi? May magagawa ka?
Marami na ang nakakaranas ng ganyan. Nawala sa sarili. Nawalan ng ulirat. Ang kadalasan ang dahilan nito ay trahedya na hindi na kinaya.
" Kung hindi mo na kaya pag katiwalaan ang sinasabi ng isip maniwala ka sa sinasabi ng puso mo "-missGuided
7 comments:
Grabeh, ang sakit malaman na ang alam mong TAMA eh MALI pa ba, but no matter what happens, we should accept the real damn TRUTH.. Smile! =)
ang lalim pores pero pati ako napaisip a. panu kung ang inaakala kong mahal ako ehh hindi pala totoo? mag popost ako bout this. tnx for the idea. loveyou.
mukang karton nga tong monitor ng PC ko, ala pang pambili ng LCD, lolz
@ keb
if we can do nothing about it...yes we should accept the real "damn" TRUTH..super smile =)
@ iamloved
pores ganyan talaga pag naulanan napapa isip ng ganyan.hehe loveyou
@ tonio
akala ko yosi itong hinihithit ko straw pala.lolz.salamat sa komento
wag naman sana. tama si keb na malamang mali pala ang inaakala mong tama.
mukhang interesting nga ang abnormal psych. hehehe. pag-igihan mo ang pag-aaral mo sis.
take care. God bless.
xoxo
ang galing mo po sumulat.
ang dami dami pong laman ng utak mo ang taba po. .
nice post.
@ sweetham
kung iisipin mo maigi ma realize mo tayong maraming bagay tayo na inaakala natin ay tama pero mali pala. tulad ko akala ko maganda ako hindi pala...magandang maganda pala.lolz
salamat sa pag bisita sis.XOXO.hehe
@ pablong pabling
puro tubig po laman ng utak ko kaya mataba. Paulan ka din.hehe
salamat :)
Post a Comment