Tuesday, June 23, 2009

Sukdulan

Current mood: Praning! (masama loob ko ngayon. Mababaw lang ang pinag huhugutan nito. Isang bagsakan mamaya wala na. Just bear with me)

Hindi perpekto ang mundo. Lahat tayo ay hindi perpekto! Dadagukan ko ang magsasabi ngayon sa harapan ko habang nakangiti nang "Perpekto ako at lahat ng bagay sa paligid ko!Kaya masaya ako!"

Wake up B*tch! Tama na ang daydreaming! Kahit i-rotate mo pa ng 720 degrees ng paulit ulit na parang bola ang mundo. Hindi nito mababago ang katotohanan na lahat tayo ay imperfect.

Oo..hotdog lang kaya ko iluto pero alam ko naman ang pinag kaiba ng masarap sa hindi!Oo..wala akong legs na kasing haba ng kay Ms. Melanie Marquez pero maganda ako.(kahit wala maskara! palag?*hihi*)! Oo..hindi ako magaling mag sulat pero magaling naman ako magbasa! Oo..masyado akong Transparent pero atleast ako hindi takot mag express ng feelings ko! Oo..after one hour ako magreply sa text pero nagrereply ako kahit anong mangyari! Oo..single ako ngayon pero bukas hindi na! Oo..matigas ulo ko pero alam ko ginagawa ko!

Oo lahat tayo hindi perpekto pero kaya natin itama ang lahat kahit gaano pa ito ka-sukdulan.

Hindi natin mapapa ikot ang mundo ayon sa kagustuhan natin. Hindi lahat ng oras kakampi natin si Bro! Hindi lagi goodmorning sunshine ang umaga natin, minsan umuulan. Hindi lahat ng tao kaya tayo tangapin at intindihin. Pero may magagawa tayo..tangapin lahat yon...makibagay... at magpatuloy sa pagalalakad!

*isang malaking buntong hininga hayyy!*

9 comments:

HOMER said...

Sukdulan nice title naaalala ko si Katya Santos hehe!!

Anyway KAYA MO YAN KID! Cheer Up madaming batang nagugutom.. :D

ROM CALPITO said...

Hi miss guided korek ka jan..

Walang taong perpek
Pero kaya nating paikutin ang mundo

Yung taong mahal ko..
Siya ang nagpapaikot ng mundo ko.hehehe

napadaan lang.

Rouselle said...

I feel you, girl! Let it all out. It really does make you feel better. :)

Take care now!

ACRYLIQUE said...

“Sometimes we strive so hard for perfection that we forget that imperfection is happiness” :)

Reagan D said...

tama ka dyan! mas nakakapraning kung "feeling" natin lagi tayo "ok", pero d naman ok. being real is healthy. ^_^

Anonymous said...

pores makikibatok din ako sa kung sino man mag sabi na perpekto sya. sabay (middle finger up) haha :))

Hari ng sablay said...

naku ayoko kong mdagukan,hindi ako perpekto... peace tayo!

si osang lang ang flawless.lols

miss Gee said...

@ Homer
isang bagsakan lang wala na to! Onga mas madami pa ko dapat problemahin kesa sa kababawan na'to tulad ng pano bawasan ang tambay sa kanto hehe

salamat*supersmile*

@ jettro
buti sa'yo may nagpapa ikot ng mundo. ang sarap naman ingit ako*hihi*

@ angel
thanks :) I'm better now.nailabas ko na e

@Acrylique
so true :)

@ manik reigun
yea. it is really hard to pretend your ok if your really not. Hindi masamang magpakatotoo
:)

@ iamloved
korek ka jan teh kutusan natin yon ng ten times haha

@ Hari ng sablay
buti naman hindi ka perpek! kala ko may madadagukan na kami ni iamloved! lols
si osang na lang kutusan namin hehe

Joel said...

adik lang ang makakapag sabi na perpekto sila..

may mga taong nagpupumilit maging perpekto pero paulit ulit pa din silang sasablay.. sigurado yan kasi wala naman talagang perpekto