Nawiwindang ako! Alam nyo ba kung bakit ako nag alsabalutan mula dito papunta
doon? Dahil lang sa gusto ko lang palitan yung header ko! Isang araw kasi bigla na lang ako sinipag mag explore sa Adobe. Hindi ako marunong gumamit nito...natatanga ako! Hangang sa... Success whoooo!! Hindi ko sinasadyang magawa 'to....
Sa sobrang galak ko! Gusto ko na agad palitan yung puting ballpen sa taas na kinopy paste ko kung
saan! Pero sa hindi inaasahang pag kakataon...ayaw nyang gumana! Anak ng p***(tooooot)! Sinubukan ko'ng muli. Ayaw pa din! Tinanong ko si
google kung bakit ganon? Binigyan nya ko ng tips. Sinubukan ko uli ayon sa pagkaka intindi ko sa sinabi nya pero ayaw pa rin! Ayoko na suko na ko! Kaya ayan nag desido ako umalis dito. Tanga tangahan talaga ako sa mga anik anik na options and chorva! GrR!
Okay na ang miss Guided don sa kabila ayos don maganda. Pero bat ganon? Lahat ng post na ginagawa ko don hindi matapos!
Namamahay ata ako!
***
Gusto nyo ba na bumalik na ko dito? Kung my keber ka...ayun pasagutan naman yung poll sa taas.Salamat!
6 comments:
ikaw. kung saan ka kumportable dun kami,kung gusto mo yang dalawa nalang para mas masaya,hehe
nkakatuwa ka naman header lng pala ang dahilan kung bakit ka lumipat,hehe
Balik ka dito. Ang tunay na tahanan mo ay tatanggap sayo, maski mag alsabalutan ka pa't lisanin sya. (MMK?) haha, seriously. wala naman sa header yan eh. Para sakin ah. Game yan! Dito ka na!
Header lang? lang? Big deal sa akin yon! Hindi kaya ako makatulog at makakain dahil jan! at nilalang mo lang?
ahaha ang babaw ko talaga! salamat sa'yong soporta! :)
ditei ka naleng sa tunay mong baler ;)
bomoto na po ako, sa oo ako...
pero natuwa ako dun sa namamahay a...
happy blogging!
Hehe.
Ayaw po ba gumana ung click 'layout' then click ung 'edit' dun sa header tapos upload ng image from computer?..Talagang bugish dito sa blogspot eh 'no? kainis talaga minsan. Na-'shrink to fit' nyo po ba dun sa may 'placement'? tanong ko lang po..
PS
ang boto ko ay bumalik po kayo dito. kasi tingin ko mahalaga ang age ng blog.
wala lang,
Mingkoy.
Post a Comment