Friday, December 11, 2009

Bukas

Parang kahapon lang, nakapiit sa kulungan si Erap, ngayon ay sasabak na sa pagka presidente!Parang kahapon lang nanalo si Pacquiao kay Cotto,ngayon sasabak naman sa pelikula(wapak!!)Parang kahapon lang si Ondoy ang sikat, ngayon si Ampatuan na!Parang kahapon lang Sabado ngayon Lingo na!hehe
Andami na ang nagbago. Napakabilis ng mga pangyayari. Mga hindi natin inasahan at hindi napaghandaan. May maganda may mabuti. Ngayon 2009 Bukas 2010. Ano kaya ang dala ng taon na'to sa atin? Ano kaya ang dapat natin asahan at dapat natin pag handaan?
Sino ang may alam ng kinabukasan natin? Sino?
Hindi ako naniniwala sa sinasabi ng ilan na "Tanging panahon lang ang makapagsasabi ng ating hinaharap". Dahil naniniwala ako na tayo ang gumagawa ng kinabukasan natin. Kung ano tayo ngayon asahan mo na ganon ka din bukas.Kung ngayon ay nagbabago ka malamang ibang tao ka na bukas. Kung nag susumikap ka ngayon bukas sigurado ako maganda ang buhay mo. Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin. Tayo responsable sa lahat ng nangyayari maganda man o mabuti. Tayo...
Ano ka kaya bukas? Ako nakikita ko na sarili ko bukas. Walang pinagbago. Kaya mamaya magninilay nilay ako. Gagawa ulit ako ng new years resolution. Nakakahiya man sabihin pero hindi man lang nangalahati ang listahan ko sa mga nagawa at nabago ko sa sarili ko.
(alam ko ganon ka din! hehe) Buti na lang may mamaya para gawin yung mga hindi ko nagawa ngayon. It is better to be late than never.It is better to try and lost than never tried at all!

ManigongBagongTaonSa'nyo

Tuesday, November 17, 2009

Girlfriends

"We cannot tell the precise moment when friendship is formed. As in filling a vessel drop by drop, there is at last a drop which makes it run over; so in a series of kindnesses there is at last one which makes the heart run over."
-- Samuel Johnson
What do I love having girlfriends? I can talk about anything and everything with them in complete details. They will lend their ears to your endless love stories. They will tell in front of your face that you are ugly then will bring out their curlers/iron, facial mask, and make-up tools and tell "you will be gorgeous again..don't think about him too much..you deserve better!

Women don't need a man to complete her! Take centr*m COMPLETE from A-Z (sinong hindi kornii? HAHAHA)

Monday, November 9, 2009

Para po! (Isang repleksyon)

Nag mamadali ka. Late ka na at traffic pa. Kailangan mo pumunta don sa patutunguhan mo. Di mo alam kung paano ka makakarating don. Pero alam mo na ang tanging taxi driver lang ang makakatulong sa'yo. Dumating na ang taxi. Nakipag areglo ka para isakay ka. Nakipagtalastasan ka. Pero pinagsarhan ka nya ng pinto at umalis papalayo. Sa iba ka na lang daw sumakay kasi traffic sa ruta na dadaanan mo.Naranasan mo na ba yon? Ako kasi hindi pa(hehe).Pero naranasan ko na yung feeling na talikuran nong tanging tao na inaasahan mo sa oras na kailangan mo sya.

Yung pagsarhan ng pinto nong tao na inaasahan mo na makaka intindi sa'yo. Yung iwan ka nong tao na dapat sasamahan ka sa paglalakbay mo.
Yung talikuran ka nong tao na akala mo na masasandalan mo sa mga panahong hindi mo na kaya tumindig.

Minsan sa isang punto ng ating buhay,mararanasan na'tin ito. Sa iba pala hindi lang minsan.Kadalasan sa iba lagi na lang ganyan. Pero hindi ibig sabihin na hihinto ka na sa paglalakbay mo. Nangnghulugan lang nito na na hindi lahat ng inaasahan mo ay mangyayari. Na Lahat ng akala mo magkaka totoo. Huwag mag expect. Iwasan ang pag depende sa iba dahil sa huli sarili lang talaga natin ang maasahan natin. Matutong tumayo mag isa. Ang mga pangyayaring tulad nito ay tutulong upang pagtibayin ka lalo.

Kaya wag na mag taxi. Makakarating ka din sa paroroonan mo kung magba-bus ka. Masarap maglakbay pag marami kasabay at mas mura pa.*ehehe*

Imahe mula dito

Thursday, October 1, 2009

Ang Salarin

Hindi inasahan ng lahat ang pangyayari na naganap sa ating bansa mag iisang lingo na din ang nakararaan. Marami ang napinsala..nasirang mga bahay at kabuhayan....at nagbuwis ng buhay. Sa isang iglap lang ay mistulang nilamon ng tubig ang ka-maynilaan at ilan pang karatig na probinsya. At sino ang may sala? sino ang salarin?

Itago na lang natin sya sa pangalang ONDOY!! Walang pasabi na dadaan sya sa ating bansa. Hindi man lang nagbabala na malakas pala ang dala nyang pinsala.Ni- wala syang preno sa pagragasa sa buong kamaynilaan! "
Kuyugin si ONDOY" (huh? pa'no?*laugh*)

Ngunit sya nga ba ay
guilty sa mga akusasyon na pinaparatang natin sa kanya? Sya nga ba ang dapat sisihin? Sya nga ba ang salarin?

Kasalanan nga ba ni ONDOY na hindi tayo handa sa mga sakunang tulad nito? Kasalanan nga ba nya na hindi tayo marunong mag tapon ng basura ng ayos? Kasalanan nga ba nya na hindi tayo marunong mag mahal kay inang kalikasan?

Sino nga ba ang salarin?

Tayo ang
Guilty sa mga paratang na ito. Tayo ang Salarin. We deserve what is happening right now! And we should learn from this!

Ngunit sa kabila ng mga ito, may maganda pa ring dulot ang pangyayaring ito!
(oo meron!). Nakita natin ang tibay ng pinoy,ang Bayanihan,pagkaka isa,at ang pag tutulungan. Bangon Pinoy!

>>Speaking of salarin? Ano or should I say..sino ang salarin ng aking 62 araw/8 lingo/2 buwan kong pag kawala sa blogosperya? Sino?

Tama kayo. Yung larawan nga sa itaas ang dahilan. Sya nga pala si britney! Kailangan nya ng pagkalinga ko kaya nawala ako ng panandalian. :D
Pero bukod pala dyan marami pa palang dahilan.Tulad ng Projective test(HTP & DAPT) and personality Test interpretation,PMHA-Seminars, Retorika portfolio, baby thesis, Diva life, Restaurant city,castle age, and farmville! ahahah.


H A P P Y B L O G G I N G :)

Wednesday, August 12, 2009

wow mali!

Hirap na hirap na ako.Alam ko this time di ko na kakayanin.Kung noong una ay kaya ko pang tiisin ang nararamdan ko,ngayon ay di ko na talaga kaya. Malapit na. Heto na. Suko na talaga ako.

Pagbaba ko ng jeepney. Sa pulang bubuyog agad ang naisipan ko punatahan upang humingi ng tulong sa aking paghihirap. Magandang loob naman nya akong pinag buksan at pinatuloy. Alam ko sa panahon na yon sya lang ang maasahan ko. Salamat..

Pasok lang ako. Dirediretso lang. Nang....

" Miss ?".

Nagulat ako. Bakit iba ang paligid. May dalawang tao na nakatayo at katulad ko din gulat at nakatingin sa akin. One...two...three! Sabay tingin sa isang itim na sign na nasa aking kaliwa. May letra na nakasulat sa ilalim dito. Tatlong letra na naka Caps lock pa at bold na nag sasaad na "MEN"!

"Ay sorry po" ayon na lamang ang nasabi ko sabay talikod. Akala ko may palda yung drawing. Wala pala. Hindi ko napansin iyon sa kagustuhan na mai-raos ang pag sakit ng aking pantog *hehe

Hindi pa lalampas sa 6 na oras ang tulog ko nong araw na yon. Diretso ang klase ko. Ang dami inaasikaso. Problemado kay almost lover ko at stressed pa sa bahay. Nakaka loka!

Ayan kasi pasok lang ng pasok ng hindi tinitidnan ang pupuntahan. Parang sa buhay natin. Go lang tayo ng go ng hindi inaaninag ang paroroonan natin. Sabay lang sa agos kahit di alam kung saan ka dadalin nito. Kung sana lang yung pinapasukan natin ay madali lang lusutan. Kung sana lang pag nag kamali tayo ng pinuntahan ay may ganito(larawan sa ibaba) na pipigil sa atin. At kung sana lang madali bumalik kapag naligaw tayo.



"Life is like a taxi. The meter just keeps a-ticking whether you are getting somewhere or just standing still. -- Lou Erickso

Image source: www.picsearch.com

Tuesday, August 4, 2009

Maskara


Ang larawan na yan ay kuha mula sa tanyag na pamilihan sa Maynila. Kung ikaw ay may isang libo sa bulsa ay maari ka ng makabili ng kagamitan at saplot mula ulo hangang paa(isang buong outfit na oha!). Hindi din mahulugan ng karayom ang tao dito(lalo na pag x'mas season), kaya bawal ang aanga-anga dahil sa isang lingat mo lang ay naitakbo na ng magaling ang bag mo.haha!

Alam mo na kung sa'an yan? Kung oo
certefied pinoy ka nga. Ayos! Pero hindi tungkol sa pook na yan ang post na'to. Napadpad ako jan dahil may proyektong anik anik kami na dapat bilhin. Sa aking pag mamasid pumukaw sa aking pansin ang mga makukulay na maskara. Naalala ko tuloy itong blog ko na nilalangaw na dahil sa bihira ko ng pagbisita.

Isang Pilosopo ang nagsabi na..
"people often hide or mask their true feelings and present an image of what they think is expected"

Totoo yan. Lahat tayo ay nakasuot ng maskara. Tinatago ang ating totoong nararamdaman. Gusto lang natin ipakita sa lahat kung ano ang gusto natin ipakita. Ayaw natin malaman nila ang totoo nating emosyon . Sa likod ng mga ngiti na yan ang isang malungkot na mukha ang nag kukubli. Kunwari okay tayo. Kunawari masaya tayo. Kunwari lahat ng bagay ay naaayon sa kagustuhan natin. Pero hindi talaga.

Hindi masama magtago sa likod ng maskara. Lalo na sa mga pagkakataon kung saan yung mga tao sa paligid mo ay humihingi ng lakas sa'yo. Subalit hindi din masama na ipakita ang totoong nararamdaman natin. Hindi masama maging mahina. Ang mga taong marunong harapin ang kanilang emosyon ay mga taong totoong malakas.

Sunday, July 26, 2009

Malik-mata

May nagbigay sa akin ng blusang dilaw. Natuwa ako kagandahang loob nya. Pero hindi lubos ang kagalakan ko dahil sa tingin ko ay hindi ko naman ito magagamit. Maganda ang kulay(branded pa*hehe) pero mukha akong gift wrapper sa dami ng raffles nito. Alam ko uso ito, hindi ko lang talaga keribles(carry) suotin. Simple lang kasi ako manamit pero hindi manang.

Pinagmasdan ko muli ang blusa. Masisinan ko itong kinilatis. At na-realize ko ang kagandahan nito. Belt lang pala ang kailangan...winner na!

Para rin yang mga scenario sa buhay natin. Sa unang tingin,akala natin ay hindi maganda pero hindi pala.Kadalasan bina-base lamang natin sa ating unang impression ang saloobin at desisyon sa mga bagay bagay na nang yayari sa atin ng hindi pinag iisipan. Mali 'yon, mas maintindihan natin ang mga ito kung pag iisipan ito ng maraming beses.Sapat ng ang 100 times then make a decision*hehe.
Nasa kanya kanyang interpretasyon lang. Minsan nililinlang tayo ng mga mata natin. Minsan nakiki ayon lang tayo sa tingin ng nakararami.Pero ang mahalaga ay kung pano natin titidnan ang isang bagay dahil kaakibat nito ang bawat kilos natin.

Kung iniwan ka ng kasintahan/irog mo. Huwag kang malungkot. Isipin mo na lang ang kasunod nito tao na.*bitter smile*-missGuided

Friday, July 17, 2009

Wala kayo sa lola ko

Dahil sa bongang ulan kahapon at suspended pa ang klase,natenga lang ako sa bahay maghapon.Sa lakas ng ulan hindi ako makapag concentrate sa paggawa ng mga report ko o kahit mag blog hopping man lang.Kaya ibinuhos ko na lang ang oras ko sa aking pet na si britney na may 4 na langaw na lumilipad sa ulo nya don sa pet society*hehe at manood ng tv! Everytime na napapanood ko'to napaphinto ako sa ginagawa ko,nakaka aliw ng tunay...





" Puro abangers na naman dito eh. Bwiset! bwiset! "

Ang taray ng lola nyo ano? Cool na cool parang bagets lang. Ang tingin natin pag sinabing abuela,granny,lola eh naka-upo sa rocking chair o kaya nag aalaga ng apo. Well ngayon hindi na. Kaya na nilang makipagsabayan sa DOTA with their apo's (buti pa sila*hihi)!

Monday, July 13, 2009

MG's TopPicks(part 3)

Annie Wilson(90210), Michael Scofield (prison break),Victoria Ford (Lipstick jungle), Gabrielle Solis (Desperate Housewives) sila ay ilan lamang sa mga "peborit" kong karakter sa balat ng telebisyon ngunit sa kasamaang palad ay hindi nakasama dahil sampu(ten,diyes) lang talaga. Masyado mahaba ang listahan ko at sila lang ang kaya i-feature dito sa blog ko. At ang Bida sa aking topten tv character ay *tentenenen* ay si......
1. Blair Waldorf
(Gossip Girl)
" Haven’t you heard? I'm the crazy bitch around here "-Blair Waldorf
A privileged young woman born to high society, Blair Cornelia Waldorf is presented as the beautiful Queen Bee of Manhattan's social scene. Due to her status on the Upper East Side, her actions and relations are under constant scrutiny from the mysterious Gossip Girl,a popular blogger.

MG says: Wealthy and snobby, yet good-natured. Yan masasabi ko sa kanya. I love how the way she speaks, the way she dress, and also how she manipulate people just to get what she want.haha! Job well done to Leighton Meester for giving justice to Blairs character. Pero ano to'ng nababasa ko na may sex scandal daw sya.Ang lahat ng ito ay alleged Scandal with her BF lamang. Until now ala pang video talaga ang lumalabas kundi larawan lang tulad sa itaas.Hindi pa talaga napapatunayan but lot of people were claiming that it's really her. Ayon sa nabasa ko may isang website na daw ang nakabili ng sex scandal video for $1 million at malapit na i-release. To see is to believe. Pero if it's really true, so what? hindi nito na mababago that she's really talented and she is the hottest and brightest star today!

* sa mga naka hula. Isasama ko ayo sa prayers ko. Yan ang premyo.LOL*xoxo

image source: http://teenbubblegum.com

Wednesday, July 8, 2009

MG's top picks: Top ten "peborit" character on Small Screen(part 2)

Ito na ang continueation...
5. Izzie (Grey's Anatomy)
" This is who I was. It has nothing to do with who I am now. I'm a physician. A surgeon! And I am just as qualified as any other intern on this floor. So you're just going to have to get over your chauvinist crap and allow me to do my job. "Izzie works at Seattle Grace Hospital as a surgical intern and later resident, with storyline focusing on her relationships with fellow staff members. She was bubbly,emotional and kind. Some said that she don't fit in her chosen profession because of her personality but she's really good at it.

MG says: She is more than a pretty face! ( sana mabuhay siya sa next season ng GA!)

4. Spike (Buffy the Vampire Slayer)
" What am I doing here? Out for a walk Bitch! "
Spike is seen as something of a paradox amongst vampires in the series, and frequently challenges vampire conventions and limitations. He embraces certain elements of humanity, such as love and loyalty, that would be considered too human.

MG says: Sheep in Wolf's clothing.haha! Ayan si Spike! Matapang madalas Manindak at manakot pero sa likod nito siya ay may tinatago na busilak na puso!

3.
Chuck Bass (Gossip Girl)
" Game's not over until I say it is. " He's as obnoxious - but hilarious - as he is wealthy and charming at times. Everyone may despise Chuck Bass, but there's no question that he is the most connected kid on Upper East Side.

MG says: (often) misjudge but he's just longing for love,attention and appreciation! I love her sooo0 much! why? because He is Chuck Bass haha!

2. Ally McBeal (Ally McBeal)

There's no sin in loving men. Only pain!

a young lawyer working in a Boston Law firm, Cage Fish and Associates with other young lawyers whose lives and loves were eccentric,humorous and dramatic.


MG says: Funny and has a strong personality.Hindi padadaig sa mga maton kahit malas sa pag ibig!



OooopssS hangan jan muna ulit. Inantok na ko e(hihi). Bitin ba ? Hulaan nyo kung sino ang nanguna/Bida sa aking MG' list?(may premyo ^^,)


Saturday, July 4, 2009

MG's top picks: Top ten "peborit" character on Small Screen

Isa ako'ng certefied Tv addict! On my free time I prefer to stay at home eating popcorn while watching some of my favorite tv series rather than wasting my time walking on the mall like what other typical teens like me usually do. Nakakapagod kaya lalo na kung wala kang monmon pambili!haha

Kaya ito nagtala ako sa sampu sa pinaka na aliw ako na karakter sa balat ng telebisyon:

10. Karen (Will and Grace)

" Honey, I'm too tired to slap you. Bash your face up against my palm "

Karen is a promiscous borderline alchoholic with an often tenous grip on reality and very few morals.She is good friends with Will Truman's equally narcissistic best friend Jack McFarland.

She was describe by her friends as "a spoiled, shrill, gold-digging socialite who would sooner chew off her own foot than do an honest days work"


MG says: Ibang klase bumanat. Napapatumbling ako sa kanya. Lalo na pagkasama nya ang kanyang partner in crime na si jack. I hope matuloy ang kanilang new sitcom na "karen and jack"


9. Phoebe (Charmed)

" I'll do what I should've done a while ago which is vanquish your sorry ass "

Phoebe, the youngest Halliwell sister, the charmed ones. Her powers are mostly passive, including premonitions, potion making, and casting spells. Initially frustrated by her passive powers, she invests in martial arts training to fight demons. She later receives the gifts of levitation and empathy.

MG says: For me the she is the most gorgeous amon
g the sitsers. Besides of that I adore her strong personality kahit madalas she uses her heart over her head!


8. Cappie (Greek)

" I had a little minx once. She was the fairest of all the forest creatures. But I let her get away. (Slaps himself) Bad Cappie "

Cappie is a guy who lives now,enjoys everything , and sees no need to move on. He’s happy on campus and that where he’ll stay until he’s physically removed or runs out of new majors to try which ever comes out first.

MG says: Maloko pero malaman ang utak! Born leader!


7. Sawyer (Lost)

" what do i want? freckles, i got so many an swers to that question, i would't know where to start! "

Sawyer is initially portrayed as a conniving, overly sarcastic flirt who keeps stashes of washed ashore items. His flashbacks typically depict a more sensitive side to him, juxtaposed against acts of betrayal and theft.


MG says: Ito lang ang masasabi ko jan " maginoo pero medyo bastos".


6. Samantha Newly (Samantha who?)

" It really is the hardest part, that despite our very best efforts, some things just aren't meant to be while things that are meant to be, they seem to find a way "

a 30-year-old vice president of a real estate firm who develops retrograde amnesia after a hit and run accident. Upon waking, she realizes to her dismay that she had been selfish and unlikeable before her accident, and therefore sets out to make amends and become a better person.


MG says: Hilariously funny and often MisUnderstood.Pero ang maganda sa kanya ay marunong sya umamin sa pagkakamali nya at tinatama nya to!


O siya ayan muna!


ImageSource: httm://picsearch.com


Tuesday, June 30, 2009

Inarte

Isang buong araw ang sinayang ko para bumorlog,mag mukmok at mag isip. Ang ending lutang pa rin ako. Wala akong pasok ngayon kumbaga dayoff ni Inday ngayon sa pag dadalubhasa sa tinatawag ng karamihan na "paaralan"!
Gusto ko na bumalik ang dati kong sigla pero ilang araw na din ako ganito,ayaw talaga(emo si ate'ng nyo)! Sabi nila na ang life span ng pain na ating nararamdaman *brokenheart* ay 5 minutes! Pag sumobra daw ito sa limang minuto ay inarte na daw ang tawag don! At oo nag iinarte ako!!
Alam ko walang kwenta to'ng pinagsasabi ko. At nararamdaman ko na nag-iinit na din ang ulo mo sa binabasa mo kay inihahandog ko ang...


Para sa inyong Suggestions,Violent reaction, hate letter, love letter*ambisyosa, o kahit anong anik anik pa yan ay aking papakingan. Kung may problema ka ay handa kita tulungan. Ibabahagi ko ang ilang kalokohan I mean kaalaman mula sa 3 units ko'ng subject na guidance and counseling kung saan nakakuha ako ng 3 dahil sa pakikinig sa professor ko habang tulog*haha!

Sige kaibigan sulatan mo na ako!

Friday, June 26, 2009

disi-otso


I don't believe in the phrase above!
I only believe that...

For 18 years I lived in this world WITHOUT you...I can live another 18 years or another million years WITHOUT YOU even after I met you!


right?

Tuesday, June 23, 2009

Sukdulan

Current mood: Praning! (masama loob ko ngayon. Mababaw lang ang pinag huhugutan nito. Isang bagsakan mamaya wala na. Just bear with me)

Hindi perpekto ang mundo. Lahat tayo ay hindi perpekto! Dadagukan ko ang magsasabi ngayon sa harapan ko habang nakangiti nang "Perpekto ako at lahat ng bagay sa paligid ko!Kaya masaya ako!"

Wake up B*tch! Tama na ang daydreaming! Kahit i-rotate mo pa ng 720 degrees ng paulit ulit na parang bola ang mundo. Hindi nito mababago ang katotohanan na lahat tayo ay imperfect.

Oo..hotdog lang kaya ko iluto pero alam ko naman ang pinag kaiba ng masarap sa hindi!Oo..wala akong legs na kasing haba ng kay Ms. Melanie Marquez pero maganda ako.(kahit wala maskara! palag?*hihi*)! Oo..hindi ako magaling mag sulat pero magaling naman ako magbasa! Oo..masyado akong Transparent pero atleast ako hindi takot mag express ng feelings ko! Oo..after one hour ako magreply sa text pero nagrereply ako kahit anong mangyari! Oo..single ako ngayon pero bukas hindi na! Oo..matigas ulo ko pero alam ko ginagawa ko!

Oo lahat tayo hindi perpekto pero kaya natin itama ang lahat kahit gaano pa ito ka-sukdulan.

Hindi natin mapapa ikot ang mundo ayon sa kagustuhan natin. Hindi lahat ng oras kakampi natin si Bro! Hindi lagi goodmorning sunshine ang umaga natin, minsan umuulan. Hindi lahat ng tao kaya tayo tangapin at intindihin. Pero may magagawa tayo..tangapin lahat yon...makibagay... at magpatuloy sa pagalalakad!

*isang malaking buntong hininga hayyy!*

Thursday, June 18, 2009

Eskandalosa

BABALA: Iminumungkahi ko para sa mga may sakit sa puso at mahilig sa kape na wag na lamang pakingan ang mga sumusunod! Kung curious ka talaga.Sige paki hinaan mo na lang ang volume :D



Ano napakingan mo ba? O hindi mo na tinapos ang 9 min at 57 seconds dahil ang sakit na ng tenga mo! Kahit ako nag PINTIG din ang dalawa kong tenga. Pero natapos ko ito. Bawat salita nya at litanya ni ateng napakingan ko.

Ito lang ang nasa isip ko pag katapos ko marinig ito. Praning ba sya? O sadyang nasobrahan lang sya sa rugby? Ang laki siguro ng problema nya pero hindi ibig sabihin nito na may karapatan na sya mag-
act ng ganyan. Sino'ng matinong tao ang mandadamay ng walang kamuwang-muwang na Pinoy at pag initan ang kawawang call center agent dahil lang sa hindi sya makapag withdraw! Nakaka-windang sya! Sana nga hindi totoo to.

Pero ito yung pinaka malupet na sinabi nya "
Mga P*t* kayo! Ako lang ang Pilipino na gusto ko!"
Kung nakakamatay lang ang salita kinakain na siguro tayo ng uod ngayon. Nako teh itulog mo lang yan! :D

Parang period lang sa bawat sentence nya kung mag mura ng P*tooooot*.
Nabilang mo ba kung naka ilang P*t***ina siya?
(May premyo makakabilang ng tama hehe)

Monday, June 15, 2009

Unang Araw

Maingay. Kanya kanyang umpukan. Bawat isa ay may kanya kanyang adyenda. Halos di maubusan ng mga kwento. Mistulang talipapa ang kapaligiran.Hangang sa isang pamilyar na boses ang aming narinig. Napatingin kami sa bawat isa. Natahimik ang paligid. Tila bang may isang anghel ang dumaan. Makikita mo sa aming mga mata ang pangamba. Iisa lang ang tumatakbo sa isip ng bawat isa..."oh no! Hindi maari ito"

Lumabas sa pinto ang imahe ng pamilyar na tinig na aming narinig. Tama ang aming hinala. Hindi kami nag kakamali. Sya nga...sya nga! waahh!

" yes class. I am your professor at this class. Code 0914 blah blah blah. Ako nga!"

Parang nabingi kami sa aming narinig.

" Alam ko alam nyo kung paano itong klase ko. Kung sino man sa inyo ang gusto lumipat sa kabilang klase go ahead di ko kayo pipigilan. I am giving you a chance to transfer to Mr. P's class"

Walang sumagot. Tahimik ang lahat.

" Kayo? Do you want to stay here or what? Alam ko ayaw nyo dito. I am allowing you transfer to the other class?

Isa sa mga paborito nyang studyante ang sumagot..

" Lilipat po ako." habang nakatingin sa akin. Tila ba humihingi ng suporta.

"Go. You know na what to do. Give your form to Mr. P "

"Ok ma'am" sabay walkout.

Pagkatapos ibinaling ang tingin sa isa pang paborito nyang estudyante

"MissGuided gusto mo din lumipat?"

"No ma'am" ang sagot nya.
Align Center

Nag tanong muli "Are you sure? "

"Yes ma'am. I'm not going anywhere! Dito lang ako FOREVER!" sambit ni MissGuided sabay ngiting Demonyita.

Mabait na professor naman sya. Mabuting studyante naman ako(pag sa labas ng klase*hehe*). So ano'ng problema? Wala! Hindi ko lang naman gusto ay yung pag iinitan nya yung klase nya dahil lang sa kasalanan ng isang pasaway. Hindi po ako yung pasaway nag kataon lang na kaibigan ko yung Magaling na yon.

Pero kahit pinag iinitan ako non. Okay lang. Magaling na Guro sya. Sa tingin ko dala lang yun ng katandaan. Alam ko marami pa akong dapat matutunan sa kanya kaya hindi ako lumipat sa ibang klase.

Parang nakikita ko na ang mangyayari susunod na limang buwan. Mukhang masaya toh! Nae-excite na ako! *demonlette laugh*.

Thursday, June 11, 2009

bakit?

May mga tanong ako at bagay na hindi maintindihan dito sa mundong ibabaw. Maraming question mark ang nagpo-pop out sa loob ng utak ko na magpa sahangang ngayon ay hinahanapan ko pa rin ng kasagutan. Tulad ng...

Bakit kulay pink ang peborit(favorite) ni Bayani Fernando? Wala akong problema sa kulay pink...kung mapapansin nyo nga e parang website ng MMDA ang blog ko. Pero sa lansangan ito ang makikita mo?haha kaya marami pa din pasaway na hindi nag-o-obey ng rules.Hindi mo alam kung seseryosohin mo ang babalang...
Walang tawiran nakamamatay
!

Ito pa bumabagabag sa pag tulog ko sa gabi...Bakit Platinum lahat ng album ni papi at # one pa? I mean will.(wowowee obvious ba'ng jologs ako?haha) Tinalo nya pa ang mga totoong singer...tulad nila Gary V, Sarah G, Regine Velasquez at marami pang iba. Parang nainiwala na ko sa Kamandag "daw" ng kagwapuhan nya! haha

At higit sa lahat... Bakit ba kating kati sila palitan ang constitution?
Utang na loob.Wag nyo kami Paandaran!
No to Conass!

Baka kayo alam nyo sagot sa ilan sa mga katanungan ko?

Wednesday, June 10, 2009

Tanga lang!

Nawiwindang ako! Alam nyo ba kung bakit ako nag alsabalutan mula dito papunta doon? Dahil lang sa gusto ko lang palitan yung header ko! Isang araw kasi bigla na lang ako sinipag mag explore sa Adobe. Hindi ako marunong gumamit nito...natatanga ako! Hangang sa... Success whoooo!! Hindi ko sinasadyang magawa 'to....Sa sobrang galak ko! Gusto ko na agad palitan yung puting ballpen sa taas na kinopy paste ko kung saan! Pero sa hindi inaasahang pag kakataon...ayaw nyang gumana! Anak ng p***(tooooot)! Sinubukan ko'ng muli. Ayaw pa din! Tinanong ko si google kung bakit ganon? Binigyan nya ko ng tips. Sinubukan ko uli ayon sa pagkaka intindi ko sa sinabi nya pero ayaw pa rin! Ayoko na suko na ko! Kaya ayan nag desido ako umalis dito. Tanga tangahan talaga ako sa mga anik anik na options and chorva! GrR!

Okay na ang miss Guided don sa kabila ayos don maganda. Pero bat ganon? Lahat ng post na ginagawa ko don hindi matapos! Namamahay ata ako!
***
Gusto nyo ba na bumalik na ko dito? Kung my keber ka...ayun pasagutan naman yung poll sa taas.Salamat!

Tuesday, June 9, 2009

home sweet home

Photobucket

Nag lipat bahay ako. Under construction pa yon pero mas okayy don. Sana Bisitahin nyo pa rin ako!

Click mo lang ito! Thankyouso0much *hapiiface*

Sya nga pala my libreng pa kape don sa bagong bahay ko....hihintayin kita =D

Saturday, June 6, 2009

Tanong ng Bayan (para kay Goryo)

Ako si missGuided. Labin walong taon nang sakit ng ulo ng kanyang magulang. Imbyerna sa ipis (eeww). May anim na Barbie dolls,2 putol ang ulo. Apat na taon ng BFF ang pulang kabayo. Dalawang taon ng nababaliw sa pag aaral ng Sikolohiya(psychology). Madalas makati ang paa,kung saan saan napapadpad (hindi dahil sa may alipunga ako*hehe*). Peborit ang taho. Laging may pintura ang kuko. Hindi makatulog pag may ilaw. Mahilig bumili ng sampaguita sa baclaran tuwing miyerkules. Partner in crime si Blair Waldorf (hehe).At higit sa lahat mabait po ako...pag tulog!

Ayan may isang dosena ka ng alam tungkol sa'kin. Gusto mo pa bang malaman kung bakit missGuided?

Marami na din ang nagtanong kung bakit missGuided si missGuided. Bakit nga ba? Pamilyar ba kayo sa american tv show na Miss Guided? E sa character ni Becky Freeley? Kung hindi itanong mo kay google! =D.

I really love the character of Becky Freeley.She's crazy,hilarious,desperate but full of hope and passion. She loves Guiding other peoples lives but she herself can't handle her own life. still I love her soO much because I see myself to her.

* * *

" Oo hindi sya marunong magtanda sa mga kamalian nya. Pero hindi ibig sabihin no'n na tanga siya. Matigas lang talaga ang ulo nya "-missGuided

Wednesday, June 3, 2009

Baliw

Sigurado ka ba sa nakikita mo? Sigurado ka ba sa sarili mo? Sigurado ka ba na hindi ka nililinlang ng isip mo? Paano kung sabihin ko sayo na lahat ng nakikita at pinaniniwalaan mo ay hindi totoo.

Laptop nga ba yang nasa harapan mo at hindi karton na kinakasangkapan mo para maligayahan ang diwa mo sa mga bagay na wala naman talaga sa'yo? Mamahalin na saplot nga ba ang nasa katawan mo at hindi ma
duming tela na araw araw mo na isinusuot pang proteksyon sa balat mo? Salapi nga ba ang nasa bulsa mo at hindi papel lang na inaabot mo pambili ng mga nais mo? Malambot na kama nga ba ang hinihigaan mo at hindi Dyaryo na nakasapin sa bangketa? Maganda sa tenga na musika nga ba ang pinakikinggan mo at hindi ang ingay ng mga jeepney at tindero sa lansangan ang naririnig mo? Kilala mo nga ba ang kausap mo at hindi estranghero na inaakala mo'ng kakampi mo?

Napa isip ka ano?

Napa isip din ako. Paano nga kung ang lahat ng pinaniniw
alaan nating tama ay mali pala? Paano nga kung ang lahat ng bagay na meron tayo ay wala pala talaga? Na lahat ng tumatakbo sa isip natin ay pawang illusyon lamang at produkto lang ng ating malikot na isip. Paano nga? Anong gagawin mo? Ang tanong e may magagawa ka ba kung nakulong ka na sa mundong ginawa mo na ikaw lang ang nakaka intindi? May magagawa ka?

Marami na ang nakakaranas ng ganyan. Nawala sa sarili. N
awalan ng ulirat. Ang kadalasan ang dahilan nito ay trahedya na hindi na kinaya.
" Kung hindi mo na kaya pag katiwalaan ang sinasabi ng isip maniwala ka sa sinasabi ng puso mo "-missGuided
* * *
( Na e-excite nga lang ba ako pag aralan ang abnormal psych ngayong sem o sadyang ganito talaga kapag na-ulanan kaya kung ano ano ang naiisip?*laugh*)